KABANATA 35
TINA
“Blake, sa kalsada ka tumingin, ‘wag sa ‘kin.” Naiinis ako pero natatawa rin ako sa kanya dahil panay ang sulyap niya sa ‘kin habang nagmamaneho siya. Ang lapad pa ng ngiti niya kaya mas lalo akong natatawa. Hindi ko alam kung ano’ng pinakain ko rito kay Blake at ganito ka-in love sa ‘kin. May kabayanihan siguro akong nagawa sa past life ko kaya binigyan ako ni Lord ng isang tulad niya.
“I love you. Babe, I love you.”
“Alam ko. Ilang beses mo nang sinabi. Lagpas sampu na.”
“Gusto ko kasing marinig nang paulit-ulit na mahal mo rin ako.”
“I love you too. Mahal na mahal kita, kaya please, magmaneho ka na lang dahil ayokong maaksidente uli tayo dahil hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama uli sa ‘yo.”
“I love you.” Kaloka! Parang hindi narinig 'yung sinabi ko!
“Blake!”
“Okay. Okay. Eyes on the road na.” Eyes on the road nga siya, pero kinuha naman ang kamay ko at hinawakan. Napangiti at napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya na sa kalsada na nakatingin.
Pagdating namin sa bahay, nagmamadaling nagtanggal ng seatbelt si Blake at bumaba ng kotse. Bubuksan ko pa lang ‘yung pintuan, pero naunahan na niya agad ako, dahil mabilis siyang tumakbo papunta sa side ko.
“Thank you,” sabi ko pagkababa ko.
“I love you,” naman ang sinagot niya sabay pulupot ng braso sa tagiliran ko at halik sa labi ko pagkasarado niya ng pintuan ng kotse. Ako naman, wala sa sariling gumanti ng halik. Nawala sa isip ko na nasa labas pa kami. May gayuma ata 'yung halik niya. Hindi ako makatanggi at nakakawala sa sarili. Halik pa lang niya pinapalutang na niya ‘yung isip ko.
Pero nang maalala ko na sobrang PDA ‘tong ginagawa namin, ako na ang kusang naglayo ng labi ko sa kanya. Baka bukas, mabalitaan ko na lang na pinagtsitsismisan na kami rito. Kahit gabi na at madilim, baka may mga mata na nakasilip pa rin.
“Blake, pasok muna tayo sa loob ng bahay. Huwag dito sa labas.”
“Sorry," sabi niya pero hinalikan muna uli ako sa labi bago nagsalita uli. "I can’t control my self kapag ang lapit mo sa ‘kin. Plus, when my memories came back, lahat naalala ko. Lahat.” Bakit kinilabutan ako nang sabihin niya ‘yung salitang lahat? Iba ‘yung tono at parang may meaning ata. Dahil ba pati mga sexy time namin together naalala na niya? Hala! Ang dami no’n!
Nag-init ‘yung mukha ko kaya kaya napahawak ako sa pisngi ko, at isinandal ko ‘yung noo ko sa dibdib niya. “With your reaction, I think you already know what I’m talking about.” May bahagyang pagtawa sa boses niya at tumango naman ako.
“Lahat ng alaala mo bumalik na pero ‘yung mga mahalay talaga ang pinili mong ipaalala sa ‘kin.”
“I only want to think about my happiest memories with you.” Sa bagay tama siya. Ang saya talaga ng mga 'yon. Sabay kaming lumilipad sa alapaap habang nilalasap ang luto ng Diyos.
Pero naalala ko na sa pagbabalik ng mga alaala niya pati ‘yung lahat ng nangyari nang araw na naaksidente siya, naalala na niya rin. Hindi pa naman maganda ang mga ‘yon. “I’m sorry.”
“Why?”
Tumingala ako para tingnan siya. “Kasi naalala mo na rin ‘yung araw na makipag-break ako sa ‘yo.”
“Babe, don't spoil the moment. Let’s not talk about that. Tapos na 'yon. We’re back together now and ‘yon lang ang importante ngayon sa ‘kin.”
“I love you.”
“I love you too.” Hinalikan niya ‘ko sa noo. “And tara na sa loob kasi…” Yumuko siya at nilapit niya ang bibig niya sa gilid ng ulo ko. “Marami pa ‘kong mahahalay na bagay na gustong gawin sa’yo.”
“Blake!” Marahan ko siyang hinampas sa dibdib habang natatawa kaming pareho.
Habang binubuksan ko ‘yung pintuan ng bahay namin, nakayakap si Blake sa ‘kin mula sa likuran at panay ang halik sa balikat ko. Nang mabuksan ko na ‘yung pintuan. Nagulat ako nang makita ko si Inay sa may kusina. Madilim sa sala namin pero bukas ang ilaw sa kusina kaya nakita ko siyang nakaupo. Napabitaw ng yakap si Blake sa ‘kin at sakto naman na napatingin si Inay sa ‘min.
“Tina, kayo na ba ‘yan?”
“Opo Inay,” sagot ko at binuksan ko ang ilaw sa sala nang makita niya kami. Naglakad kami ni Blake palapit sa kanya. “Bakit hindi pa po kayo natutulog?”
“Nagkape kasi ako kanina. Hindi tuloy ako dalawin ng antok. ‘Tsaka medyo nanakit ang likod ko. Pwede mo ba ‘kong hilutin?”
“Opo naman. Maglilinis lang po muna ako at magpapalit ng damit tapos hihilutin ko na po kayo.”
“Kumusta pala ang lakad n’yo? Nag-enjoy kayo?”
“Opo. May mga napanalunan nga po kami.”
“Hindi pala natin nakuha sa kotse. Kunin ko lang,” sabi ni Blake. Naiwan nga pala namin sina Bubbles at Max sa likod ng kotse dahil nauna ang landian namin ni Blake kanina.
Pag-alis ni Blake, hinawakan ako ni Inay sa kamay. “Mukhang ang saya mo anak.”
“Nagkabalikan na po kami at bumalik na rin po lahat ng alaala niya. Naalala na po niya ‘ko ‘Nay.” Para akong maiiyak nang ikwento ko kay Inay. Ang tagal kong hinintay ‘yung araw na ‘to. Naalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa Manila. Lahat ng lungkot at sakit ng pangungulila ko sa kanya, pero lahat ‘yon burado na ngayon, kasi sa ‘kin na siya uli nang buong-buo at walang kahati.
“Babe, saan ko sila ilalagay?” tanong ni Blake habang bitbit na ang dalawang naglalakihang teddy bears. Dala rin niya ‘yung supot na may flower vase at isang malaking bag na pinaglalagyan siguro ng mga gamit niya.
“D’yan na lang sa sala.”
“”Yon ang napanalunan n’yo?”
“Opo. Napanalunan po ni Blake. Asintado po pala siya. Ang galing niyang bumaril at mag-dart.”
“Babe, Itong vase?”
“Sa kwarto ko na lang. Ipasok mo na rin ‘yung mga gamit mo do’n.”
“Okay!”
Nauna nang pumasok si Blake sa kwarto ko bitbit ang vase at bag niya. Tumayo naman ang Inay habang hawak ang baso na may laman pang kaunting tubig. “Sige na ‘nak, mag-ayos ka na. Hintayin na lang kita sa kwarto.”
“Sige po Inay. Sunod po ako.”
Pumasok na ‘ko sa kwarto ko at dinatnan kong nakaupo sa kama si Blake at naghuhubad ng sapatos. Napatingin siya sa ‘kin. “Babe, mabilis lang naman makatulog si Inay ‘di ba?”
“Bakit?”
“Babe… Tuloy pa rin naman ‘di ba?” Tumayo siya at naglakad nang naka-medyas na lang palapit sa ‘kin. “Babe…” Hinawakan niya ‘ko sa bewang. “Tuloy pa rin 'di ba?”
Hinawakan ko naman siya sa pisngi at umiling ako. “Matindi ang epekto ng kape kay Inay. Hindi talaga siya nakakatulog agad.”
Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko. “Natunugan niya kaya na may gagawin tayo kaya siya nagkape?”
Natawa ‘ko sa kanya. “Loko ka talaga. Akala ko ba feeling mo botong-boto si Inay sa ‘yo, kaya bakit ka niya pipigilan?”
“Kahit isang mabilis na lang.” Bahagya siyang yumuko at hinalik-halikan niya ‘ko sa leeg. “O kaya sabay na lang tayo mag-shower.” Nadadala na ‘ko sa ginagawa ni Blake kaya napapikit ako, pero hindi pwede talaga, dahil naghihintay si Inay.
“Wala kaming shower, tabo meron.”
“Babe… Iniiba mo naman ‘yung usapan.”
Hinawakan ko na siya sa magkabilang pisngi para tigilan niya ang kahahalik sa leeg ko. “Si Inay, hinihintay ako.”
“Babe…” Nakanguso na siya.
“Next time, ‘tsaka hindi pa safe ngayon. Nag-stop ako mag-pills ‘di ba?”
“I can still use my tongue and my fingers, babe.” Si Blake na boyfriend ko na talaga ‘to. Bumalik na talaga lahat ng alaala niya, dahil ‘yung Blake na may amnesia, hindi magsasalita ng ganito sa ‘kin! Ang halay! Tinaas pa niya 'yung kamay niya at ginalaw ang mahahabang daliri niya para makita ko. Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan nang maalala ko kung paano niya gamitin ang mga 'yon sa 'kin.
“Blake, maliligo na ‘ko.” Kailangan ko mabuhusan nang malamig na tubig dahil pinag-iinit ni Blake ang katawan ko, sa mga sinasabi at ginagawa niya.
Lumayo na 'ko sa kanya at naglakad papunta sa cabinet para kumuha ng damit, pero nakasunod pa rin siya sa 'kin. “Sabay na lang tayo maligo. Makakatipid tayo sa tubig.”
“Paano kapag lumabas ng kwarto si Inay at mahuli tayo magkasama sa banyo? Kahit alam na niya na nagkabalikan na tayo, ayoko naman mahuli niya tayong may ginagawang milagro,” sabi ko habang kumukuha ako ng tuwalya at damit.
“Okay… Fine… Mukhang sa ibang bagay ko na lang gagamitin ‘tong kamay ko.”
Pagharap ko sa kanya nakataas pa ang kamay niya at nakatitig siya rito. Bumuntong-hininga pa siya bago ibaba ang kamay niya. Hinalikan ko naman siya sa labi bago ako lumabas. Dapat smack lang pero napunta sa French kiss dahil kay Blake. May paggapang din ang mga kamay niya papasok sa loob ng blouse ko at kung hindi ko pa ipaalala si Inay sa kanya magtutuloy-tuloy na.
***
Nang matapos ako maligo, kinatok ko na lang si Blake sa kwarto para sabihin na tapos na ako at pwede na siyang maligo. Pagkatapos, pinuntahan ko na si Inay sa kwarto. Bukas pa ang ilaw sa loob ng kwarto nila pero tulog na ang Itay habang ang Inay nakaupo pa sa kama at may hawak na rosaryo. Nang pumasok ako napatingin siya sa ‘kin.
“Malapit na ‘ko matapos dito.”
“Okay po. Hintayin ko po kayo. Hindi pa naman ako inaantok,” sabi ko at naupo na ako sa tabi niya.
Nang matapos mag-rosaryo ang Inay, minasahe ko na ang likuran niya. “D’yan sa parteng ‘yan masakit. Medyo diinan mo nang konti.”
“Gan’to po? Ayos lang?”
“Oo. ‘Yan. Gan’yan.” Bumuntong-hininga ang Inay. “Ang hirap talaga kapag tumatanda na. Ang dami nang sumasakit sa katawan.”
“May iba pa po bang masakit sa inyo?”
“Kanina ‘yung balakang ko, pero sandali lang naman. Napatagal lang siguro ang pagkakatayo sa lababo, kanina nang maglaba ako ng mga damit na pang-ilalim ko.”
“Sa susunod po, iutos n’yo na lang po sa ‘kin.”
“Naku, hindi na. Kaya ko pa naman. Nawawala rin naman kapag naipahinga ko na. Ito lang talagang likod ko ang medyo iniinda ko. Hindi ko rin kasi maabot para mamasahe ko. Mabuti na lang, nandito ka.”
“Kung mayaman lang po tayo, ikukuha ko kayo ng kasambahay para may katulong kayo kapag wala ako.”
“Kaya ko. Huwag kang mag-alala.” Ilang minuto ko pang minasahe ang Inay hanggang sa siya na ang nagsabi na pwede na akong tumigil. “Matulog ka na at ako’y medyo inaantok na rin.” Nahiga na si Inay at ganon rin ako. Mayamaya narinig ko nang naghihilik siya at sakto naman na nakita kong umilaw ‘yung screen ng phone ko. Nang tingnan ko kung bakit, may message pala galing kay Blake.
Babe, I can’t sleep. Gising ka pa?
Hindi ko alam kung magre-reply ako o hindi. Kapag nalaman niyang gising pa ako, baka mangulit na naman siya. Pero aaminin ko, pareho naman kami ng gustong gawin. Kanina nga habang minamasahe ko si Inay, lumilipad ang isip ko papunta sa kanya. Kaso paano ako aalis dito sa kama? Baka magising ang Inay.
Ang lungkot nitong kama. Wala akong kasama.
Babe, nilalamig ako. I need your help.
Babe?
I guess you’re too tired and probably asleep already. Good night, babe. I love you.
Ang dami na pala niyang text sa 'kin. Magre-reply na dapat ako sa kanya pero mas pinili ko na lang na dahan-dahan na bumangon para hindi magising sina Inay. Pupuntahan ko na lang si Blake.
Diyos ko, spell marupok. T-I-N-A.
Halos patingkayad na akong naglakad palabas ng kwarto nina Inay. Medyo lumangitngit pa 'yung pintuan nang buksan ko. Buti na lang hindi sila nagising dahil mukhang mahimbing na ang tulog nila dahil nagpapaligsahan pa sila sa paghilik. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ko, gano'n pa rin ako maglakad. Hinawakan ko na ang doorknob at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at sinilip ko kung gising pa siya. "Blake?"