KABANATA 68 TINA Pinagpapawisan na ‘ko sa kakamadali. Basa na nga ata ‘yung kili-kili ko! Hindi ko pa tapos ‘yung make-up ko, hulas na ‘ko. Nagmamadali na kasi akong mag-ayos. May date kami ni Blake ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit biglaan. Pag-uwi ko na lang dito sa bahay pagkagaling ko ng school, may damit na ‘kong naka-ready sa kama. May iniwan pa siyang note na iyon daw ang suotin ko, at mag-ayos daw ako agad kasi ihahatid ako ni Mang Romy sa lugar kung saan kami magde-date. Teka?! Bakit nga ba hindi ko buksan ‘yung aircon? Kinuha ko ‘yung remote control at binuksan ko ‘yung aircon at saka ako bumalik sa pagkakaupo ko sa harapan ng salamin. Naglalagay ako ng eyeliner, pero hindi ko ma-perfect. Gusto ko sana ‘yung parang may wing effect. Bakit kaya ‘yung nakita kong tutorial, pa

