KANINA PA naka-plaster ang matamis na ngiti sa mga labi ni Jade. Pakiramdam niya ay nangangawit na siya sa kaka-ngiti. Again, she is pretending she is okay in front of many people, specially to their friends. Pero ang kalooban niya ay nadudurog. Paano ba namang hindi, kanina pa ang tudyo ng mga kaibigan nila kina Erie at Caitlin. Masyado kaseng inaasikaso ni Caitlin si Erie at ganoon din ang binata sa dalaga. Nakangiti siya ngunit ang kalooban niya ay naghihimagsik sa sobrang panibugho. "O ano? Kaya mo pa? Ginusto mo yan eh!" At ayun nga pati inner-self niya ay ginagatungan siya! "Palagay ko may magkakabalikan dito." Tudyo ni Jayden. "Oh! No! Fiancé ko na si Erie!" Ngunit wala naman siyang lakas ng loob magsabi. Paano nga ba niya sisimulan kung nakikita niyang masaya ito kay Caitlin

