YUA’S POV Nagising ako ingay ang naririnig ko sa paligid. Hindi ko aakalain na dumami ang tao sa k’warto. Nang imulat ko ang mata ko at makabangon ay nagtaka ako sa bimpong nasa noo ko. Bumuntong hininga ako lalo na ng makita ang planggana sa may side table. Tumayo ako at tinignan ang mga maiingay na tao at saka sila napahinto pag-iingay ng makita ako. “Urasai.” (So noisy) walang ganang sabi ko. “Ohayōgozaimasu.” (Good morning) Bati ni Kuya Yohan. “Coffee,” sabi ko saka naman tumayo si Yohan at agad akong pinagtimpla ng kape. Ako naman ay umupo sa may tabi ni Yesha at saka ako humugot ng buntong hininga. Hindi ko aakalain na susugurin nya ako at alam nyang nandito ako. B’wisit talaga ang hinayupak na ‘yon. Akala ba nya magpapatalo ako? ********** Nang makabalik ako sa unit ay

