YUA’S POV Ilang b’wan na ang nakakaraan mula ng nandito ako sa Japan para gampanan ang bagay na hindi ko naman kayang gampanan. Hindi ko ginustong maging isang Prinsesa at isa pa ay hindi ito ang gusto kong tadhana. Wala na akong magagawa dahil hindi ko na rin naman mababago ang lahat. Pareho kami ni Yesha na hindi kayang gawin ang bagay na hindi naman namin gusto. Matapos maglibot at ngumiti ng plastic sa harap ng camera ngayon ay napahilata kami dahil sa pagod at sakit ng paa. “Grabe, ang hirap pala ng ganitong role,” sabi nito habang tinatanggal ang sapatos nya. “I want to go back,” I said. Nang bumalik kami dito sa Japan hindi pa namin nakakausap isa sa mga kaibigan namin. Si Papa ang may gawa no’n, and he want us to be busy with our roles. Tumingin ako kay Yesha na no’n ay nak

