YESHA’S POV Sobrang na-guilty ako sa nangyare at hindi ko iyong inaasahan. Bumalik ulit sa kanya-kanyang ginagawa ang dalawa at si Yuri naman ay inalalayan kong tumayo at saka kami pumunta sa isang k’warto at saka nya ako iniwan at dumeretso sa banyo. I just want to help them kahit sa maliit na bagay pero parang nakasama pa iyon. Sobrang sakit lang sa loob na dahil do’n ay namapaso si Yuri. Nang matapos syang maligo at magbihis ay saka ako lumapit sa kanya at tinignan ang paso nya. Umiiyak pa rin ako at hindi ko alam anong gagawin ko. “Sorry babe,” sabi ko saka tumingin sa kanya. Hinawakan nya ang pisngi ko saka nya pinunasan ang luha ko. “Shhh, it’s not your fault ok?” “Pero kasi---” “Malayo sa bituka. Mawawala rin ‘to isa pa papahiran ko na lang ng cream para hindi magpeklat

