CHAPTER 1

1744 Words
YUA’S POV Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan ako titigilan nila para lang masabing normal din akong tao. Hindi ko rin naman hinangad na magkaroon ng ganitong kakayahan at mas lalong hindi ko hiniling na mabiyayaan ako nito. Habang nagte-training dito sa training room ko at nagpapaka-busy sa mga bagay na gusto kong gawin. Dumating si Yesha. “Oh? Baka gusto mo naman lumabas-labas?” Taas kilay nitong sabi sa ‘kin. Napahinto ako at sinenyasan ang tauhan ko at saka ko sila pinalabas ng k’warto. Napabuntong hininga ako at saka kumuha ng tubig sa ref at uminom. “I don’t want to,” I said. Hindi ko nga feel ang lumabas ng mansyon dahil mas gusto kong narito lang ako. “You better to go out din kaya. Tsk, magpa-araw ka naman. Nahiya ako sa puti mo, e,” sabi nito at saka hinawi ang buhok nya. “Lumalabas ako, Yesha,” sabi ko at saka umupo sa sofa. Sumunod sya sa ‘kin at saka nilapag ang bag. Kinuha ang remote at binuksan ang tv. S’yempre, wala naman itong ibang panonoorin bukod sa netflix. “You’re always here just to watch that fcking flix, Yesha?” Taas kilay kong tanong. “Nako naman, Yua? Everytime ata na nandito ako sa k’warto mo wala akong ibang binubuksan bukod sa tv mo. Tapos magtataka ka?” Taas kilay din nyang sabi sa akin. Napatampal ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong klasing kaibigan. Oh, please Lord, kunin nyo na sya habang maaga pa. Tumayo ako at saka iniwan muna sya at naligo. Nang matapos akong maligo ay nakita kong nagtatago na sya sa likod ng unan. Kaya naman nakaisip ako ng kalokohan. Kinuha ko ang wine glass at saka lumapit sa bandang likuran nya. Sinabayan ko ang tunog ng horror at saka binasag ang glass at sa sobrang gulat nya ay napatalon pa ito sa sofa. Hindi ko magawang matawa at hindi ko rin magawang mag-react. She’s always like that. She likes horror movies pero matatakutin sya. I don’t know kung anong sapak nito, e. Patuloy itong nanonood at ako naman ay pinatunog ang buzzer at saka pinalinis ang kalat sa k’warto. Nang matapos nilang gawin ay nagbihis na ako at saka inayos ng kaunti ang sarili ko. Tinapik ko sya at sinenyasan at napatulala sya sa ‘kin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at hindi makapaniwala. Pero nangunot ang noo nya. “Ano ka gangster?” hindi makapaniwalang sambit nya. Is there something wrong with my outfit? I just wearing a black t-shirt with black pants and black shoes. Do I look like a gangster? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at saka naunang maglakad palabas ng bahay. Nang makalabas ay sinenyasan ko ang men in black na kunin ang motor ko. Matapos ‘yon ay pinarada ito sa harapan ko at napatakip ng bibig si Yesha. Ever since ganyan na ang mukha nya. Laging namamangha sa mga bagay. Binigay ko ang isang helmet at pinasuot iyon sa kanya at saka sya umangkas sa likuran ko. Sobrang tuwa ang nakikita ko sa kanya at hindi talaga naaalis ang pagkamangha. “Kailan ka pa natutong mag drive nito?” takang tanong nya. “Lately lang,” tipid na sagot ko at saka pinaandar ang motor. Napakapit ng mahigpit si Yesha sa ‘kin at napangisi naman ako. This is the first time that I go out together with her. Napag-isipan ko rin kasi kagabi. I'm not gold to stay in one place, and I'm not a treasure that who need to hide in a secret place, since we we’re young we are always together. She understands me the most and always there when I needed. My mom and dad are not here because they are both busy with their businesses. Once a year lang sila umuwi and my brothers? Oh, they are also busy in travels. Magmula ng mawala ang totoong magulang ko, sila na ang kumupkop sa ‘kin. They know what ability that I have. ‘Yong nangyare many years ago, sariwa pa sa alaala ko. I will never forget what happened at that night, when Mr. Lopez want to get me. He is the reason why my real parents die. But, because of Mr. And Mrs. Gomez I am still alive and still breathing. But in a dark place of my personality. “Waw!” hindi makapaniwalang sabi ni Yesha ng makahinto kami. “Paano mo nalaman ‘to?” takang tanong nya at saka hinubad ang sapatos. “I’ve searched,” I said. “Oh, so you are now interested in other staff?” “No.” “Tsk, p’wede ba kumawala ka na rin sa dark place mo?” Nakangusong sabi nya. “I can’t.” “You can, Yua.” “How?” Napahinto sya at kunwaring nag-isip. “Do the things that makes you happy or do the things that can set yourself free in the dark,” she said. I didn’t give her any expression. Hindi nya ako mabasa, bawat galaw ko ay wala syang alam. Hindi nya alam kung anong takbo ng utak ko pero ang kanya ay madali ko lang mabasa. Naawa ako sa mga nangyayare sa buhay nya at kahit hindi nya sabihin ay ramdam kong malungkot sya. She’s always had a big smile on her lips but there’s a pain inside her heart. That’s why I came here together with her. I know there’s something bad that happened, kaya sya nasa bahay araw-araw. Hindi ko pinaalam sa kanya ang kakayahan ko pero alam nya ang nakaraan ko. Malungkot din ako dahil sa nakikita ko mula sa kinabukasan na mangyayare sa kanya. Pero alam kong pagdating ng tamang panahon, sasaya sya ng totoo. The true happiness that she wanted to have and to be. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinambay namin sa lugar na ‘yon para lang mag-aliw. Naisipan naman naming pumunta ng mall para naman kumain dahil alam kong gutom na sya. Nang makarating sa mall ay agad na pinuntahan namin ang korean restaurant. She loves korean food and I know hindi na naman sya nakatikim nito ng mga ilang months. May sa topak kasi. “Uyy alam mo sometimes punta tayo ng Korea!” “And why?” “Ano ka ba! Hindi ba crush mo si RM ng BTS. Tangina, Yua h’wag kang kj ang dami mong pera,” wala pa nga akong sinasabi pinangungunahan na ako. “Stop it.” “H’wag ka rin masyadong matipid sa pagsasalita. Kasi ako kanina pa kuda ng kuda pero ang sagot mo, one or two words. Sobra na siguro ang five words ano?” inis na sabi nya. “Tsk.” “Kita mo na!!!” Hindi ko na lang pinansin at saka kami kumain. Pero dahil madaldal ang kasama ko hindi ligtas ang eardrums ko sa boses nito. Hindi ko alam kung kailan titino ang boses nya o kaya naman ay kung kailan ito mananahimik ng kahit isang minuto lang. Kung sa bagay ay hindi rin naman nakakaligtas ang isip ko sa mga naririnig at nakikita nito sa mga taong nakapalibot sa amin. Naririnig ko ang kung anong nasa isip nila at nakikita ko ang mga hinaharap nila. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong lumabas ng mansyon. Ang marinig ang nakakarinding utak nila at mapasok ang imahinasyon nila. Lalo na ang mga lalaking may malalaswang pag-iisip. Hindi ko alam kung anong maaaring gamot sa ganitong kakayahan pero pumupunta ako ng psychiatrist for my treatment but, it doesn’t work, kahit anong gawin ko. I still read what’s on their mind. Sabi sa ‘kin ni Mommy ay nagmana ako sa kakayahan ng totoong tatay ko. He have this kind of ability that the other people doesn’t have. Kaya daw sya nasali sa isang organization at natanghal bilang isang pinakamahusay sa lahat ng larangan. Hindi sinabi ni mommy kung anong klasing organization ‘yon pero gusto kong malaman. Matapos naming kumain ay umuwi na kami. Nang makabalik sa mansyon ay saktong nando’n na sila kuya at agad akong sinalubong ng mga ito ng isang napakahigpit na yakap. I am not their real sister but they all treat me like I am their real little sister. “Waw? Sana all may kuya.” Naka-cross arms na sabi ni Yesha. “Bakit hindi ba gumawa ang mga magulang mo ng mga kapatid mo?” tanong ni Kuya Yuri. “Like duh!” Mataray na sagot ni Yesha. I don’t want to speak. Pero crush ni kuya Yuri si Yesha, that’s why he always make her irritated. So, cute. “Kuya Yohan! Pagsabihan mo nga ‘tong si Yuri baka hindi ko matant’ya at masapak ko,” sumbong nito kay Kuya Yohan. “Nako, Yesha, may gusto lang sa ‘yo iyang si Yuri,” panunukso ni Kuya Yohan kay Yesha. “Luh?” Yesha shocked. “Kuya Yohan! Sinasabi mo ba? Ang armalite na babaeng ito gusto ko? Eiiiww,” he said with nandidiring face. (Nakakainis paano kaya nalaman ni kuya Yohan?) Napakagat na lang ako ng labi ko ng marinig ang nasa isip nya. Tumingin ako kay kuya Yohan at saka nagtaas ang kilay naming dalawa. Si Kuya Yohan ang nakakasundo ko pagdating sa ganitong kalokohan. Nagpigil tawa kaming dalawa at saka ako inakbayan ni Kuya Yohan at inayang pumasok sa loob at iniwan ang dalawa. Si Kuya Yuri ay mahiyain pero kalog na lalake. Iisipin kong kabaliktaran nya ako dahil medyo hawig na rin kaming dalawa. Si kuya Yohan naman ay may pagkaloko-loko minsan at magaling sya sa martial arts kaya magkasundo kaming dalawa. Kinamusta ko ang travel nila sa italy and they have a great experience daw. Hindi pa ako nakakapunta ng ibang bansa. Hindi naman sa ayaw kong umalis o mag-travel pero, hindi ko lang talaga muna binalak. Siguro sa pagdating ng tamang panahon at pagkakataon. Mas mabuti na munang manatili ako sa iisang lugar. Natatakot kasi akong maulit ang dati. Hindi ko nga alam no’n kung totoong patay na nga si Mr. Leo pero sana naman ay wala ng kasunod na gaya nya ang gustong kumuha sa akin at pag-experementuhan ang utak ko. Isa pa baka lalong magulo ang utak ko kapag narinig ko ang ibang lenguahe. Totorete na nga utak ko kay Yesha dagdagan pa nila kuya na ngayon ay nandito na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD