YUA’S POV Lumapit ako sa kanila at saka ko hinawakan ang kamay ng lalakeng nakahawak sa kamay ni Yesha na no’n ay halos manginig na rin sa takot at kaba. Tumingin ako sa kanya at nakikita kong natatakot sya sa ‘kin kahit na wala pa akong ginagawa. Pinakitaan ko sya ng nakakakilabot na ngiti dahilan para mabitawan nya si Yesha. Agad ko itong nilagay sa likuran ko at saka ko sya hinarap. “I-ikaw…” “Hmm?” I answer with a raised eyebrows. “I-ikaw nga ang sinasabi nila.” Tumingin ako kay Yesha at saka sya nagkibit balikat at kumapit sa may damit ko. Si Kuya naman ay agad na limapit sa gawi namin dahil nabitawan rin sya ng mga tauhan ni Sic. Sa totoo lang wala pa akong ginagawa po ganito na sila katakot sa akin. Did I do anything wrong to them before that made them afraid of me like this

