YUA’S POV Pinupuno talaga ako ng punyetang Zike na ‘yan, e. Umalis na muna sila Yesha at babalik daw sila mamaya. Habang ako naman ay nandito sa k’warto ni lolo at nag-iisip. Sabi ni lolo ay nasa labas ng hospital kagabi ang mga tauhan ni Zuko. Infernes din naman sa kanila dahil desidido silang patumbahin ako. Tumayo alo at pumunta sa may semi bar ni lolo saka ako sumenyas sa bartender. Binigyan nya ako ng girl drink at saka ko ‘yon ininom. Habang nag-iisip naman ako sa kung anong kailangan kong gawin sa ngayon. Narinig kong nag-vibrate ang phone ko at saka ko ‘yon kinuha at sinagot ang tawag. “Yua, pumunta ka rito sa bar, iyong bebe mo kasi napaaway,” sabi ni Yesha sa kabilang linya kaya agad na tumayo ako. Kinuha ko ang jacket saka ako umalis. Nang makalabas ako ng hospita saka a

