CHAPTER SIX: A DREAM AND A KISS ERAH ALERIE (POV) Pinulot ko ang nagkalat kong saplot sa sahig habang mahigpit na nakahawak sa polo ni Aldrin. Bago ko pa makuha ang underwear ko ay mas lalo akong nahalina sa bango ng kanyang polo. Very manly ang aromang nagmumula sa tela nito. Parang mananatili sa ilong ko ang amoy niya. Mananatili sa katawan ko. Pagtayo matapos makuha ang lahat ng saplot ko ay halos wala ako sa sarili. Nakakahipnotismo rin yata ang amoy niya. Pero higit pa roon ay muli na namang sumagi sa isipan ko ang tatag niya sa tukso at ang ginawa niyang very gentleman sa akin ilang minuto palang ang nakakaraan. Mabibilang nalang yata sa daliri ang tulad niya. Gayunpaman ay sumagi rin sa isipan ko nang sinabi niyang babalik siya. Iyon ang pinag-iisipan ko ngayon. Baka naman pagda

