❀⊱Remy's POV⊰❀ -Continuation- "Dąmn it!" pagmumura ni Makoy at pagkatapos ay tinitigan niya ako. Bumabalong ang mga luha mula sa aking mga mata. Gusto kong makita niya kung gaano ako natatakot ngayon na baka kung ano na ang nangyari sa ate ko. "Okay, hahanapin natin ang ate mo. Pero puntahan muna natin ang kanyang mga negosyo, baka sakaling nanduon lang ang ate mo at nag-o-overtime lang. I think na mas okay kung pumunta muna tayo sa Gunther Construction Inc ng ate mo, mas malapit 'yon dito, baka duon siya tumuloy. Hindi ba at sabi niya ay madalas niya itong puntahan kapag gabi na dahil marami siyang trabaho duon? Baka nanduon lang ang ate mo, baka overtime na naman ang ate mo sa pagtatrabaho tapos ikaw naman ay ngawa ng ngawa, at baka hindi na niya napansin na deadbatt na pala ang phone

