┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Makalipas nga ng mahigit dalawampong minuto ay pumapasok na si Marcus sa loob ng suite ni Hera, at sa likuran nito ay ang kanilang mga kaibigan. Napapailing si Marcus ng makita niya si Diego na nagbabaga ang mga mata, nakaupo ito sa pang-isahang sofa na hawak ang baril at masamang nakatitig kay Hera. "Akina nga 'yang baril mo at baka kung ano pa ang magawa mo sa kapatid ng nobya mo. Sabihin nga ninyo sa akin kung ano ang nangyayari dito. Gusto kong malaman kung bakit sinasabi mo na nagising ka na lang dito sa suite ni Hera na magkatabi sayo sa kama na walang saplot. Gusto kong malaman Diego, ipaliwanag ninyo sa aking mabuti kung ano ang nangyari, puro na lang sakit ng ulo ang ibinibigay ninyo sa akin, pati ang love life ninyo nagiging problema ko na rin. Dinaig pa ninyo an

