◄Diego's POV► Katulad ng inaasahan ko ay nasa opisina na nga ang mga kaibigan ko. Lahat ay masamang nakatingin sa akin kaya natatawa na lang ako at nagmamadali akong naupo sa swivel chair ko. Humugot ako ng malalim na paghinga, tinitigan ko ang mga nakakalat na mga dokumento sa ibabaw ng desk ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na kumakain ng pagkaing inorder nila at muli kong hinarap ang mga dokumento. "Kailan ba natin sisimulan ang proyekto sa Milan?" tanong ko habang iniisa-isa ko na ang mga dokumentong inilatag nila sa ibabaw ng desk ko. "Soon, kaya mag-paalam ka na sa nobya mo dahil medyo matatagalan tayo sa Milan. Sila Marcus naman ay susunod sa Milan after two days. May importante daw kasi silang aasikasuhin ni Hugo at ni Mayson. Hindi ko alam kung ano, pero iyon lang ang pinapa

