Chapter 19 -Sinadya nga ba?-

2508 Words

◄Diego's POV► "Nakangiti ka yata, mukhang tuluyan mo ng nasungkit ang matamis na oo ng babaeng kinababaliwan mo," ani ni Thomas habang patungo kami ng airport. "Sinagot na niya ako bro, akin na ang puso ni Remy at gagawin ko ang lahat upang makita niya kung gaano ko siya kamahal. Sobrang saya ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin," sagot ko na hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "Natutuwa ako bro na makita ka na ganyan kasaya dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko rin," sagot niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya at nagpasalamat. "Salamat at pumayag kang bumalik tayo ng Sagada upang mapuntahan ko si Remy. Ngayon ay wala na akong alalahanin dahil habang wala tayo ay si Makoy na muna ang maghahatid sundo sa girlfriend ko. Sya ang magdadala mg sasakyan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD