◄Diego's POV► "Kailangan ba tayong bumalik sa Manila? Hindi ba pwedeng saka na lang?" ani ko. "Dude, kailangan dahil magkasosyo tayo sa negosyong 'yan kaya kailangan muna nating bumalik ng Manila. Nandito naman ang kaibigan mong si Rich, tapos nandyan din si Makoy na makakasama nila. Hindi pababayaan ni Makoy ang mga 'yan, at isa pa ay nandirito ang mga tauhan natin. Hindi nila aalisin sa mga paningin nila ang babaeng kinababaliwan mo," ani ni Thomas. "Shiiit!" mura ko at napatayo ako. Naglakad ako at tumingin ako sa bintana. Tinitigan ko ang saradong apartment nila Remy. Hinatid ko siya kanina sa hotel na pinapasukan niya, at pagbalik ko dito ay problema agad ang sumalubong sa akin. "Shiiit!" muli kong mura kaya natawa ng mahina si Thomas. "Kahit na banggitin mo pa ang lahat ng mu

