┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Remy bumalik ka dito! Please! Please mag-usap tayo Remy. Nangako ka sa akin na pakikinggan mo ako bago mo ako husgahan! Remy! Oh God! Ano ang nangyayari?" Malakas na sigaw ni Diego na hindi malaman kung paano niya hahabulin ang kanyang kasintahan ng mabilis na humarurot ang sasakyan nila Remy. Napatingin siya sa sasakyan ng mga tauhan ni Hera, pero flat ang mga gulong nito kaya panay ang mura niya habang litong-lito ang kanyang isipan. "Damn it! Wala akong kasalanan, at hindi ko alam kung bakit ako nandito sa hotel ng kapatid mo! Remmmyyyyyyy! Magbalik ka dito please!" malakas na sigaw muli ni Diego, habang sabunot ng dalawang kamay niya ang kanyang buhok. Tumingin siya sa sasakyan niya at ng makita niya na flat din ang apat na gulong nito ay muli itong nagsisisigaw. Makik

