KAKAUWI ko lang ng bahay, ang unang bumungad sa akin ay yung lababo kong sobrang daming hugasin.
Na-late kasi ako ng gising kanina kaya hindi ko na iyon naiayos.
Hindi na ako nagpalit ng damit, nagsimula na akong magligpit.
Nangu-ngupahan ako ng isang maliit na apartment dito sa Manila.
Mag-isa lang akong nakatira dito.
Sanay na ako, halos tatlong taon na din kasi akong walang kasamang pamilya.
Ang lungkot ba ng buhay ko?
Hindi naman, at hindi ko pinagsisi-sihan dahil kung hindi ay baka stock ako sa isang bagay na wala naman akong hilig.
Tumira ako sa manila, para madaling maka-punta sa mga auditions bilang model o artista.
Ayun kasi ang pangarap ko, ewan ko ba. Parang wala na akong intensyon sa ano pang bagay.
Hindi pa ako tapos maghugas ay tumunog ang cellphone ko.
Kumuha ako ng towel para magpunas ng kamay ko.
Pagkuha ko ng phone.
Mom's Calling
Huminga ako ng malalim bago nagayos ng sarili.
Nagpulbo lang ako,
Pinalitan ko din yung pantaas ko ng pambahay.
Sumalampak ako sa may couch na kama ko na din.
Tinawagan ko si mama, ilang saglit pa sinagot na din niya agad yung tawag.
"Oh Eli rose!" bungad na sabi ni mama.
"Kailan ka ba uuwi dito sa Cavite?" Nakaupo ito sa may couch at halatang kumakain pa.
"Eh mama, diba nagusap na tayo about dito?" Ngumiti akong pina-alala sa kanya ang napag-usapan.
Ngumisi lang ito "bakit hindi ka nalang kasi umuwi dito, miss ka na nila daddy mo,"
"Si daddy?" Paguulit kong sabi sa kanya
"Oo kahit ganun iyong tatay mo, name-miss ka n’on" ibinaba nito ang hawak na plato bago tumingin sa akin. "Eh may kinakain ka pa ba diyan?"
"Oo naman, hahaha. Madami akong booking sa pag mo-model ngayon noh,” pagpa-panggap ko. “baka nga one of these days eh lisanin ko itong maliit kong apartment" ang galing kong mag-sinungaling, baka pati sarili ko mauto ko na ah.
"Ikaw ang ini-isip ko eli rose, kung ikaw sana'y umuwi nalang dito sa cavite edi mas magiging maayos ang lagay mo"
Ngumiti ako kay mama. "Ayaw ko munang umuwi sa cavite ma, alam mo naman si daddy diba?"
My dad never supported me when it comes to modelling or pag-aartista.
Lagi niyang sinasabe sa akin.
"Aanhin mo iyang mukha mo kung walang laman ‘yang utak mo, bakit hindi ka mag doctor gaya ng ate Gabby mo?"
Isang surgeon ang daddy ko, buong buhay niya ay inalay niya bilang maging isang mabuting doctor.
And ang ate Gabby ko naman ay Cardiologist, ang bunso naman naming kapatid si Lori ay kasalukayang nag-aaral sa De la Salle sa Dasmariñas, She is currently taking BS Nursing.
O diba lahat sa medical field.
Ako doctor kwak kwak.
Napailing ako sa naisip, tandang-tanda ko pa noon, habang ang ate Gabby busyng-busy para sa pagre-review dahil nalalapit na ang pagkuha nito ng lisensya ako ay namo-mroblema kung anong Gown ang isu-suot ko para sa pageant na sinalihan ko.
Wala talaga akong interes bilang maging isang doctor, alam ko bagay sa mukha ko dahil mukha naman akong matalino pero hindi ko ninais na baka bigla may mga pulis na da-dampot sa akin dahil mali ang nai-turok ko sa pasiyente.
Napatawa ako sa naisip.
"Umuwi kana, at mag-aral ka na lang ng pag do-doctor” aniya nito “mas malaki ang kikitain mo roon kesa ngayon na barya barya ang kinikita mo," pangungumbinsi ni mama, alam ko naman kung bakit niya ako pinipilit. Gusto niya kasing magkasama-sama kami sa Cavite.
"Mama, masaya na ako sa nakuha kong kurso, Tourism” pagpa-paliwanag ko. “ At saka di ba sinabi ko naman sa iyo. Maganda ang booking ko ngayon sa pag-momodelo "
"Pero anak, nahi-hirapan lang naman kasi ako na malayo ka samin,” kunsumidong puna nito. “Ni hindi ko nga alam baka mamaya uuwi ka nalang dito sa Cavite na may asawa't anak ka na," parang maiiyak na ito sa nasabi.
"Ma, eh pano naman ako makakagawa ng anak, eh ni boyfriend nga wala ako” pagda-dahilan ko. “Saka na siguro iyon pag nag mamay-ari na ako ng isang malaking hacienda," Tuma-tawang sabi ko sa kanya, dinadaan ko nalang sa tawa para hindi maramdaman ni mama na nahi-hirapan akong mabuhay mag-isa.
"Eh kung magka-karon ba ako ng isang malaking hacienda, mapa-patawad na ba ako ng daddy?" biro ko kay mama.
"Hacienda ka diyan Eli rose, sa kinikita mo ay baka matagalan pa iyang pangarap mo,"
Natawa ako sa sinabi ni mama.
Nagulat ako no’ng biglang may kumatok sa pintuan ko, basi sa pagkatok nito ay mukhang galit.
"Hoy Eli Rose!!"
Boses palang alam niyang Landlady niya iyon, si Manang Ruth.
"Ayyy mama.. andito na yung manager ko. Mag di-discuss about sa new project,"
"Eli rose alam ko nandiyan ka!" Pag sigaw pa ulit ni manang ruth.
"Anak eh, parang galit ang manager mo ah. Sige na, bukas nalang,"
Pagkatapos nitong nagpaalam ay ibinaba ko na agad ang cellphone sa kama bago nagtungo sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto "Eli Rose, kailan ka ba magba-bayad ng renta mo sa apartment?” aniya nito. “Ilang beses ko namang sinabi sayo na hindi ako ang mayari ng apartment diba?? Ang mayari sa ibang bansa ang nakikisuyo na singilin ka," pagsigaw na sabi nito.
"Good Afternoon Manang Ruth, mabuti din naman ho ako," pag-iiba ko sa mood niyang nagliliyab.
Ibinuka ko ang pinto bago pinapasok siya.
"Mukhang na-stress kayo sa pani-ningil buong araw dito sa mga tabing apartments ah," ang tabi tabing apartments kasi dito sa lugar na ito ay hawak din ni Manang Ruth.
Basi sa pagtingin palang sa kaniya na pawisan ay naaawa na ako, madalas kasing tinataguan si Manang Ruth pag araw na ng singilan
"Anong gusto mong mainom?" Pagaalok ko sa kanya.
"May soda ka ba diyan?" May galit pa din sa tono nito.
"Ofcourse i do!" Pumunta ako sa ref bago sinilip ang laman.
Napakamot ako sa ulo. "Uhm, cold-, cold water nalang pala ang meron Manang Ruth,"
"Eh bakit ka pa nagtanong kung tubig lang pala ang mai-ooffer mo sa akin?"
"Pasensya na" umupo ako sa harap niya bago inilagay ang tubig.
Agad naman nitong ininom ang tubig na inilagay ko sa harap, nag-paypay ito gamit ang dyaryo na hawak. Halatang init na init ito.
"Kailan ka ba magba-bayad Eli rose?"
"Pasensya na sa delay manang,” huminga ako ng malalim. “Pero bukas makukuha ko na ang sahod ko sa pagdo-double ko, once na nakuha ko ay ako na ang di-diretso sa bahay niyo para magbayad,"
"Jusko, totoo ba iyan?"
"Oo manang peksman, mamatay man," Pagku-kumbinsi ko sa kaniya, mukha kasing hindi naniniwala eh.
"Wag naman, baka ikaw ay mamatay at hindi ka pa maka-bayad ng utang mo," kumamot ito sa noo.
Tumawa lang ako, ilang saglit pa ay biglang tumunog ang telepono nito.
"Oh ano Rodolfo, nandiyan ka na ba sa apartment mo??" Galit na sabi nito.
"Oo wag kang mag-alala, hinintay kitang umuwi talaga," tumayo ito sa pinto ko at sinubukang tanawin ang apartment ng kausap, ng makita niyang bukas na ang pinto nito ay agad din siyang nag-paalam.
Tumayo ako bago nilock yung pintuan.
Bente-singko anyos ka na Eli rose pero wala ka pa ding nagawang bagay na ikaka-proud mo.
Hanggang ganto na lang ba ako, isang kahid isang tuka.
Na-scam pa yung 200 pesos ko.
Sa dinami-dami ng lalake pano ko mahahanap iyang F at B na initials na iyan.
Pumunta na ulit ako sa kusina para ituloy ang paghu-hugas ko ng plato.
Pagkatapos ‘non ay nagwalis ako bago nag-lampaso ng sahig.
Nagdala din ako ng isang towel para mapunasan yung mesa.
Naiwan pa ni Manang Ruth ang dyaryo niya.
Itatapon ko na sana ‘yun pero bigla kong nabasa ang nasa front page ng dyaryo.
La Castellón owners, Fernando-Balcazar will soon open their newest resort in Palawan!
Fernando Balcazar? F&B ang initials, pwede kayang siya?
Imposible, Eli rose.
Itinapon ko yung dyaryo sa basurahan bago nagpatuloy sa paglilinis.
Madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog.
Lord, sign naman please para mapadali ang pagha-hanap ko kung sinong ponsyo pilato man iyon.
Tumayo ako bago nagkape, iniiwasan kong tingnan yung dyaryo na nasa may basurahan.
Binukas ko yung social media ko bago nag browse.
La Castellón owners, Fernando-Balcazar will soon open their newest resort in Palawan
ito nanaman?
Umalis ako sa f*******: bago lumipat sa i********: pero ganon pa din ang nakikita ko
Umupo ako sa couch habang nagka-kape.
"Ang sabi ng manghuhula, sa tulong ng isang lalake,"
"So dapat ang lalake na iyon ay mayaman or di kaya ay may-kapit sa taas para matulungan ako,"
"Ah, gad," kumamot ako sa noo ko bago nag-isip ulit. "Maaari kayang siya?"
"Should i go to palawan?" Napakunot ako sa biglang pumasok sa isipan ko.
NAGISING nalang ako na nagma-madali akong mag-impake ng mga damit ko.
Para bang may humihila sa ‘kin papuntang palawan.
Maaga kong tinawagan si Ara para tulungan akong makahanap ng pinaka murang ticket papuntang Palawan.
Kinuha ko muna ang sahod ko para may pang pamasahe ako at pang gastos sa Palawan bago dumaan sa bahay ni Manang Ruth para magbayad ng renta.
"Eh, kung wala namang Fernando Balcazar doon, edi magbabakasyon nalang ako doon," pag papa-kalma ko sa sarili ko.
Sometimes im too impulsive, i don’t think before I act.
I remember the time no’ng kumakain kami ng tahimik sa table, buong family then yung dad ko sabi "so anong balak mong kunin na course?"
I just laughed silently. "Yung easiest course if possible,"
Nagtinginan sa akin ang lahat ng nasa mesa, si ate Gabby na kung pwede lang niyang takpan yung bibig ko ay tatakpan niya na talaga. Mabait ang Ate Gabby at matalino kabaliktaran ko ay devoted talaga itong maging isang doctora.
"Why don’t you become a dermatologist? Tutal gusto mo ng medyo madali,"
Nabulunan ako sa kinakain kong spaghetti bago napahagalpak.
"Daddy dont get me wrong,” pagsi-simula ko. “Pero wala po akong balak maging isang doctor,"
Pag e-explain ko kay daddy.
Halatang nagtitimpi nalang ang daddy sa sinabi ko.
"Balak ko ho sanang sumali ng mga pageants or maging modelo o kaya artisa pwede na iyon," pagtuloy ko pa din sa sinabi ko kanina hindi ko binabalingan ng tingin ang Daddy.
"Eli Rose, pwede bang kahit saglit mapatunayan mo naman saming pamilya mo na may laman iyang utak mo!" madiing sabi ni Daddy nakikita ko din na humigpit na yung paghawak niya sa tinidor.
Hinawakan ni Ate Gabby ang kamay ni daddy para awatin sa galit na namumuo. "Dad, bata pa si Eli rose, hayaan mo't maiisip niya din ang mga sinabi nyo,” pagpapa-kalma ni Ate Gabby kay daddy. “Sa ngayon hayaan muna natin siyang magaral, ilang buwan pa naman bago siya gumraduate," bumaling sa ‘kin si ate at kumindat na ibig sabihin ay sakyan ko nalang ang sinabi niya.
Napakamot nalang ako nang maalala ang nangyare dati, halos itakwil ako ng dad no’ng sinabi kong gusto kong magaral sa manila at ang kursong kinuha ko ay tourism. Simula nun ay hindi na ako umuwi sa Cavite.
PAGKABABA ng eroplanong sinakyan ko ay mabilis kong hinanap ang bagong resort ng La Castellón.
Sobrang laki pala ng resort na bu-buksan nila, halatang hindi pa tapos ang pag-gagawa ng resort dahil sa ilang trabahanteng nasa labas na may mga dala-dalang materyales papasok ng resort.
May isang malaking wooden signage sa itaas ng gate na nakalagay
"La Castellón Resort"
Nakita kong may lumabas na matandang babae sa gate.
"Hi," mabilis kong sabi para makuha ang atensyon niya
"Hello hija," sabi lang nito bago sinuri ang itsura ko. Nakasuot kasi ako ng maiigsing damit "sa iyong porma ay huhulaan kong isa kang turista," nakangiting sabi nito.
Ngumiti lang ako bago tumango.
"Welcome sa Palawan hija,” pagbati nito. “Pero pasensya na at hindi pa bukas itong resort na ito. Pwede kang pumunta sa malapit sa bayan, may mga hotel doon at resort na pwedeng mong tuluyan,"
"Ay, hindi po," Hinigpitan ko yung hawak ko sa bag.
Biglang may lumapit na lalake sa matandang babae para tulungan ito sa mga buhat buhat niya.
"Eh ano ba ang pakay mo dito hija?"
Ngumiti ako bago nagsalita "may hinahanap po kasi ako na tao, Fernando Balcazar 'ho,"
"Aba ay baka karelasyon ito ng isa sa mga balcazar eh parang artista eh," mabilis na sabi ng lalake na kasama ng matanda.
Wow mukha daw akong artista
"Eh miss sinong Fernando Balcazar ba ang pakay mo? Meron kasing tatlong fernando balcazar na anak ni Don Alejandro,"
Napatigil ako sa nasabi ng matanda, tatlong Fernando Balcazar?
"Ha?" Maang kong sagot.
"Oo miss," iyong lalake ang nagsalita "Si Boss Carlo, Boss Diego at Si Boss Marco, sino ba sa tatlo?" pagtatanong ng lalake.
"Ah ehh-- yung pinaka gwapo nalang ho sa tatlo,"
Napa-nganga yung dalawa sa harap ko.