9. FIRST DAY WITH HIM
Ynah's POV
Sobra akong napagod. Si Zayn naman kasi eh. Minsan suplado, minsan naman mabait.
Pero ayos na rin ‘yun. At least, unti-unti kami magiging close. Chos.
“Ynah! Nagnanight dreaming ka na naman diyan. Lika nga dito!”Ano na naman bang problema nitong si kuya Paulo?
“Bakit ba kuya?” Sigaw ko, pero sumunod naman ako, “Wow. At andito rin sa Patrick ah. Ano bang kailangan niyo?” Dagdag ko pa. Lagi kasi magkakunchaba ang dalawang ‘to. Ano na naman kaya mga plano nito at naisipan yata akong isali sa kung anong gagawin nila.
“Wala tayong gagawin, o hindi tayo maglalaro. May sasabihin ako sa inyong dalawa...”
“Oh ano?”Sabay naming tanong ni Patrick.
Bumuntong hininga muna siya, “May girlfriend na ako.”
Woah! Seryoso?! Ang kuya naming NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH? May girlfriend na ngayon?! For real? Totoo kaya ‘yung sinasabi ni kuya? Baka naman ginugood time lang kami nito?
“Eh? Kuya! Pakilala mo naman sa amin ni Pat. We'll promise we will behave!” Nakangiti kong sabi.
“Kuya! ‘Di nga? Naks. Binata na oh. Pag nagsawa ka na, akin na lang, ah?” Sabi ng lokong si Patrick.
“Lokong ‘to!” Inambahan bigla ni kuya si Pat. Loko kasi, eh. Daig pa nga niya talaga kami.
At syempre ako, humarang na naman ako sa gitna nila. Since nakatopless sila, ipit na naman ako sa mga pandesal nila.
“Ano ba! Tumigil nga kayo! Langya ka Pat. Syota na ni Kuya ‘yun, agawin pa?!” Saway ko kay Patrick.
“Hoy ate Ynah. ‘Wag mong sabihing “syota”, puwede namang girlfriend, diba? Syota means “short time.” Okay?"Edi si Patrick na expert sa love-love na ‘yan.
“Basta Patrick. Tumahimik ka diyan!” Pagbabalewala ko ng mga sinabi niya.
“Para namang ‘di kayo mabiro, oh. Siyempre sa utol ko na ‘yan…” Sabi niya, at saka naghigh five pa sila.
Pagpasensiyahan niyo na ang mga kapatid ko. May sayad din eh. Mag-aaway tapos bigla-bigla nalang magbabati? Parang mga tanga eh.
“Papupuntahin ko siya bukas. Behave lang kayo, ah. Papakilala ko na siya kila tito at tita. Kilala na nila Mama at Papa eh. Pero sa pangalan lang siyempre.” Sabi ni kuya sa amin.
“Engk? Kuya, dapat lalaki pumupunta sa bahay ng girlfriend. Baduy naman nun kung babae pupunta sa iyo.” Ang dami talagang alam ni Pat pag dating sa ganito.
“Ganun ba. Next time ako pupunta sa kanila. Nakaplano na, eh...”
**
Andito ako ngayon sa school. Kasama si Faye, kumakain kasi kami ngayon. Ngayon na nga lang yata kami nakakain nang matiwasay. Kasi those past two consecutive days was really… UGH. Wala nalang akong masabi pa.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari... Hindi siya makapaniwala. Ewan ko ba, para bang kinikilig na nagagalit dahil sa sinigawan daw siya kahapon.
“Grabe bhez. Okay lang na maging slave at tutor ka niya. Lilibre ka naman niya naman siguro lagi, eh. Pero, ‘di ko pa rin siya bet.” Nakangiti niyang sabi sabay poker face. Ano bang problema nito?
“Bakit?”
“Gusto ko nga para sayo si kuya ‘no.” Weh? Bet niya ako para sa kuya niya? Wala naman akong nararamdaman sa kuya niya, eh. May possibility siguro pag nagkakilala na kami ng personal. Saka para namang papatulan ako ni Zayn ‘no.
“Nye. Okay naman si Zayn eh. Nakakatuwa siyang kasama. Minsan nga lang, wala sa mood.”
“Sauce. Pero---“ Bigla ko kasing inabot sa kanya ‘yung soy sauce kaya naputol ang sinasabi niya, “Ang corny mo bhez. Pero lilipat daw next week si kuya Gab dito sa school natin. Nagkaroon ng isyu ‘yung school nila eh. Dito raw pinagdesisyonan ni Mama ilipat si kuya,” Oh? Parang kakakakausap lang naming kahapon ni Gab, ah. “Gusto ka pati nun masilayan araw araw. Yiieeee. Kinikilig siya… Kay kuya Gab na siya. ‘Di na siya kay Zayn.” Dagdag pa uli niya. Lokong ‘to. Natawa ako bigla dun ah. Adik talaga.
“Hay. Ewan ko sa iyo, bhez. Tara na nga sa room.” Pagyayaya ko.
**
3 hours passed…
May nareceive akong text. From anonymous.
From, 0916*******:
Punta ka na library. Dito na ko.
To, 0916*******:
Sino to?
From, 0916*******:
Zayn, malamang. Kanino ka pa ba makikipagkita sa lib? Tss.. Bilis na.
Oo nga. Sabi ko nga po. Nabara na naman niya ako dun, hay!
Dumeretso na ako sa library at hinanap ko na siya.
Nakita ko siyang naupo lang siya dun sa sulok at nagsasound trip lang yata siguro ‘to. May ear phones siyang nakasalpak sa tainga, eh. Wow ha? Ginawa niya talagang tambayan ‘tong library. Buti nalang at walang nakakita. Kundi, sisitahin siya diyan panigurado!
“Hoy.” Tawag ko sa kanya.
Nung makita na niya ako, tinanggal na niya ang ear phones sa tainga niya, “Tagal mo. Anong una?”
“Physics muna.”
Nag-aral na kami. Kahapon ko pa gustong itanung sa kanya kung bakit gusto niyang magpatutor.
“Zayn, bakit gusto mo nga palang magpatutor?” Lakas loob kong tanong.
“Para mag-aral.” Tipid niyang sagot na may halong pamimilosopo.
“Bakit gusto mag-aral?” Pagdeadma ko.
“Para makapagtrabaho." Malapit na akong mabuwiset dito. Ang gagara ba naman ng mga sagot, eh. Hindi pa niya tinatanggal ang tingin niya sa librong hawak niya.
“Ah. Eh, akit ako pa ang pinili mong magturo sa iyo?” Cool ko pa ring tanong, para ipakita sa kanyang wala lang sa akin ang lahat ng mga pambabara niya!
“Sabi nila, matalino ka raw. Rank 1 ka sa field ng department natin, diba,” So ganun. Sikat na ako? Sumikat ako dahil ba sa mga isyus? Huminto muna siya saglit, “Para mapaimpress ko na rin naman si Mom… Sa heaven.”
Bigla naman akong kinilabutan sa last line niya.
“Sorry to hear that. Tsk. Sige, tara na. Mag-aral nalang ulit tayo.”
Nag-aral na nga lang kami ni Zayn. Ayoko nang magtanong pa at baka mairita lalo siya sa akin.