28. WE'RE THE PERFECT TWO Faye's POV Simula talaga ng mga pangyayari ‘yun, hindi na kami nagpapansinan pa ni Ynah. ‘Di ko na rin hinahabol pa si Zayn. If that’s what they want. Ang dami nang lumayo sa akin. Ramdam ko rin kasi ang paglayo pa ng ibang mga estudiyante sa akin. Siguro iniutos na ‘yun ni Zayn. Nagmamahal lang naman ako ah! Bakit sila pa ang may ganang magalit sa akin? Saturday na Saturday. Kasama ko si kuya Gab dito sa playground… “Kuya, musta kayo ni Ynah?” Tanong ko sa kanya habang nandito kami nakaupo ngayon sa magkatabing swing. “Simula nung gumanda siya, lagi nalang si Zayn ang kasama nya.” Nakatingin sa malayong sagot ni Kuya. “Okay lang sa iyo ‘yun? ‘Di ka ba mawawalan ng feelings para sa kanya?” “Oo naman. Siyempre, manliligaw niya lang din naman ako eh.” Alam

