CHAPTER 2

1015 Words
“YOU’RE RESIGNING?”  Tumango lang kay Winry ang kanyang long-time cashier.  Hawak niya ngayon ang resignation letter nito.  “Bakit biglang-bigla naman yata, Lea?  May problema ka ba sa trabaho mo rito?” “Wala naman, Ma’m.  Medyo naghahanap na lang siguro ako ng bagong environment.” “So, you’re bored here?” “Ahm…parang ganon na nga, Ma’m.  Ilang taon na rin naman akong nagtatrabaho.  Ngayong tapos na ako sa obligasyon ko sa mga kapatid ko, gusto ko namang bigyan ng atensyon ang sarili ko.  Lahat na ng miyembro ng pamilya ko ay may magandang trabaho na at maayos na buhay.  Kinalimutan ko muna ang lovelife at social life ko para matulungan ang pamilya namin.  Ang sabi nila, ako naman daw ang bibigyan nila ng lovelife.”  Tumawa pa ito.  “Sa totoo lang, Ma’m, matagal ko na rin naman talagang gustong magka-boyfriend.  Nagsasawa na  akong maging single.  isa pa, hindi na rin naman ako bumabata pa kaya dapat lang naman na maghanap na ako ng makakasama sa buhay, hindi ba?” Nagpaparinig pa yata ang luka-lukang ito.  subalit ang mga sinabi nito ang mas lalong nakapagtulak sa kanya sa desisyon niyang tuluyan ng bigyan ng pansin ang kanyang lovelife.  Tinanggap na niya ang resignation nito. “Ayaw mo ring mamatay ng virgin, ano?” “Ayaw, Ma’m.  Gusto ko ring makatikim ng biyaya ng Diyos sa kababaihan bago ako mamaalam sa mundo.  Ma’m, hindi sa nakikialam ako sa inyo, ha?  Pero sa tingin ko dapat na rin ninyong pag-isipan ang status ninyo ngayon.  mahirap mamatay ng mag-isa.” The image of her aunt dying alone and lonely at her house popped in her mind.  Sumunod niyang nakita ang sarili niya sa posisyon nito.  Natakot siya.  pinirmahan na niya rito ang clearance nito.  Sa likod ng papel niyon ay isinulat niy ang kanyang cellphone at telephone number.   “Ipamahagi mo ang numero ko sa lahat ng lalaking matino at available na kilala mo.  Bibigyan kita ng bonus pag kuha mo ng huling suweldo mo.” “Yes, Ma’m!”  Abot-tenga na ang ngiti nito.  “Thank you, Ma’m.” “Goodluck din sa paghahanap mo ng lalaki.” “Goodluck sa ating dalawa, Ma’m.” Masyado yatang natuwa sa kanya si Lea kaya hindi na muna ito umalis nang araw na iyon.  She still spent her whole day behind the counter.  She was trying to list down all the dating services she knew when the image of that guy from three days ago came to her mind.  Natigil siya sa ginagawa at napangiti.  Sana nasa listahan ng mga bachelors ng mga dating services na iyon ang lalaki.  Mas masaya sana ang buhay niya.  Pero sa itsura nito, imposibleng wala itong girlfriend.  Baka nga kahit may girlfriend pa ito ay may mga babae pa ring umaali-aligid dito.  Ito kasi ang tipo ng lalaking hindi bagay na walang kasamang babae dahil kung hindi, baka dumugin ito ng mga babae.  Wala rin naman sa itsura nito na babaero ito.  He wasn’t the typical playboy type, though no one would ever really know besides those who were close to him.  With his looks, serious and yet charming, baka nga magpiyesta pa ang mga kababaihan kung naging playboy na lang ito.  Kasi nga naman, magkakaroon sila ng pagkakataong mapansin nito. Napabuntunghininga siya nang punuin niya ng imahe nito ang kanyang isip.  Now there’s a great guy.  Wala siyang mahalata dito na insecurities sa katawan.  Buong buo ang kumpiyansa nito sa sarili base na rin sa mga nakita niyang kilos nito.  Pero sayang at hindi na niya ito nakita pa.  Ilang araw din siyang nagpabalik-balik sa café bar na iyon sa madaling araw sa pagbabakasakaling muli itong makita.  Sa araw ay lagi rin siyang nakatambay sa tabi ng glass wall ng kanyang restaurant upang tanawin ang café bar na pinuntahan nito since base sa narinig niyang conversation nito sa mga crew doon ay kilala na ito roon.  A regular customer perhaps.  Or a friend of the crew.   “Nice,” sambit niya.  “Its not everyday one could see a customer befriended a service crew.” Kaya lang malas yata talaga siya dahil hindi na ito bumalik pa roon.  Ayaw naman niyang magtanong sa mga tauhan doon at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.   Next time na lang.  Lumabas siya at naupo sa dating puwesto saka tumanaw sa katapat na café bar.  Nag-umpisa na naman siyang tuksuhin ng mga tauhan niya.  Okay lang, wala naman sila gaanong customer ngayon. “Uy, naghihintay na naman sa kanyang iniirog si Ma’m.” “Malala na ito.” “Ma’m, sabihin na kasi ninyo sa amin kung sino ang lalaking iyon at nang ma-kidnap na namin para sa inyo.  Ngayon lang kayo nagkaganyan kaya dapat lang na samantalahin na ang pagkakataon.” Kabisado na talaga siya ng kanyang mga tauhan.  Kunsabagay, ang mga ito ang saksi sa lahat ng mga dateless nights niya at lonely Valentines’ Day, Christmas, New Years, etcetera.   “Huwag na,” aniya.  “Baka mausog pa.” “Ma’m, gusto ninyo ng blind dates?  May kuya akong guwapo at matalino.” “Sige.” “Ma’m, ako may uncle na nasa Saudi.  Uuwi siya sa susunod na buwan at nagpapahanap din siya ng makaka-date.” “Marami ba siyang Saudi gold?” biro niya.  “Sige, ibigay mo rin sa kanya ang numero ko.  O, sino pa may uncle at kapatid o pinsan o hardinero riyan na guwapo at matino, pakibahagi na lang ang contact number ko.  Siguraduhin lang ninyo na walang sayad ang mga iyan dahil kung hindi, sisante kayong lahat.” Nagtawanan lang ang mga ito.  Tumanaw uli siya sa labas.  Pero sa totoo lang, ang lalaking iyon na nakita niya ilang araw ang nakakalipas ang talagang gusto niyang makita uli.  Siya na mismo ang magyayaya rito na lumabas kung kinakailangan.  Wala ng hiya-hiya.  Todo na ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD