Nakakagulat na ilang araw ay balik na ang dating Alfred na kilala ko. Parang may ubo na naman sa utak sa pagiging makulit niya. At tama nga ang sinabi niya na araw-araw niya akong susuyuin at patutunayan na mahal niya ako. Ramdam na ramdam ko kung paano ang Alfred na malambing at hindi mapang-asar. At ang araw-araw na iyon, ang pinakamasayang sandali ng buhay ko. Maligaya at punong-puno ng pag-asa ang puso ko ngayon. Maging si Ate Thea ay masayang-masaya para sa akin. Hindi ko muna sinabi kay Lola Dorina at Helena ang tungkol sa aming dalawa ni monkeyboo. Saka na kapag sinagot ko na ang future boyfriend ko. "Rhea, okay ka lang ba dyan? May sakit ka ba? Kanina ka pang tulala dyan. Napapansin ko rin na palagi kang masaya. Umamin ka nga sa akin, adik ka ba?" untag ni Helena sa akin habang na

