Kabanata 107 A L I S O N "Ano sa tingin mo, Alison, makikilala ko pa kaya ang ama ng anak ko? Parang imposible kasi na makilala ko pa siya dahil ilang taon na din ang nakalipas. Saka wala nga akong ka-alam-alam tungkol sa kanya. Miski pangalan hindi ko alam. Mabuti na lang nga at hindi pa nagtatanong ang anak ko tungkol sa ama niya dahil sa totoo lang hindi ko din talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil paniguradong hindi niya pa ito maiintindihan. Mabuti na lang talaga at nand'yan si Matteo, hindi siya nagkulang kay Alisa kaya hindi din naghahanap ang anak ko ng ama." Kumunot ang noo ko. Akala ko hindi na niya naisip na kilalanin ang ama ng anak niya pero mukhang nagkamali ako. "Gusto mo siyang kilalanin?" Tumango si Tha

