Kabanata 116 A L I S O N Nang natapos sa pagbibihis at pag-aayos ng mga gamit si Blake ay dumiretso na agad kami sa mansyon nila. Doon na lang daw kami mag b-breakfast dahil paniguradong magyayaya din ng breakfast ang kanyang ina pagpunta namin doon. Mas mabuting hindi na kami mag-almusal para makakain pa din kami doon. Nakakahiya naman din kasing tanggihan ang mommy niya. Ang bait pa naman nito sa akin. Pagdating namin doon ay sinalubong agad kami ng mom niya kasama siyempre si Camila at ang kapatid ni Blake. Hindi ko alam kung bakit guiltyng-guilty ang pakiramdam ko kapag napapatingin ako kay Camila. Naiisip ko kasi ang mga sinabi ko sa kanya noong nakaraang araw. Sabi ko pa sa kanya, hinding hindi ako makikipagbalikan kay Blake, hindi nga ako nakipagbalikan pero may nangyari naman

