Kabanata 21 A L I S O N Ako na ang nagsarado ng restaurant dahil ako din naman ang pinakahuling nag-out. Tinapos ko pa kasi ang mga hugasin bago nag-out. Alas dose na ng madaling araw nang lumabas ako ng restaurant, kaya laking gulat ko nang maabutan ko ang dalawang lalaking customer ko kanina na naroon pa. Nakatayo ang mga ito sa tabi ng poste habang naninigarilyo na para bang may hinihintay. Nang makita nila akong lumabas mula sa restaurant ay agad nilang itinapon ang kanilang mga sigarilyo upang lumapit sa akin. Kinilabutan agad ako sa paraan pa lang ng pagkakatitig nila sa akin. Bumundol ang kaba sa sistema ko pero nakahanda na din namang lumaban kung sakaling may gawin silang masama. Sa dalas kong ginagabi ng uwi ngayon lang yata ako nalagay sa ganitong sitwasyon. May mga tambay m

