5:MAKE OUT

2429 Words
HER POV: "As you can see this upright curve from the graph means the growth of the sales..." Buka lang ata ng bibig nitong si Harris ang naiintindihan ko. The rest e... poging itsura na nya ang nakarehistro sa isip ko. Aish. Paano ako magfofocus? "...Is there a problem, Madam? " Automatic na napangiti ako ng sa akin na sya nakatingin. Andito kasi sya sa office habang ni-lelecturan nya ako about sa business growth ng distillery. "Nope... continue.. "sagot ko. Bumalik na ulit sya sa pagtuturo, pero, grabe lang biglang sumakit yung tyan ko. Wrong timing naman! Kakameryenda lang kasi namin at ngayon na yata, lalabas ang di-neposit kong pagkain kanina sa tyan ko. Pinilit kong makinig pa rin sa tinuturo nya. Inayos pa nya ang salamin sa mata. Infareness naman sa pisngi, kinis ah. Walang ka pores pores. "..and another thing,if this consistent upward will continue the sales is incredibly------whats that smell? " Napakagat ako ng labi. May lumabas kasing hangin na di kaaya-aya. He sniff and covered his nose through the back of her hand. "...Ikaw huh. Nakaapak ka no? "wika ko na. Mamatay man ako ngayon pero di ko aaminin. Itinaas nya ang sapatos at tinignan. "Wala naman ah? " Ngumiti ulit ako. "Hays, maiwan muna kita sandali. Oily skin na kasi e. Balik ako ah.. "sabi ko nalang. Tumango sya. Saka naman ako nag exit sa pinto. Muntik pa akong madapa ng pumasok sa comfortroom at tuloy sa cubicle ng cr. Hinubad ang dapat hubadin at umupo sa inidoro. Aish! Kakahiya! Limang minuto ata akong nagbabad sa inidoro saka lumabas sa cubicle at tinignan ang sarili. Ang ganda ko talaga. Confident pa akong lumabas. Paglabas ko ay napahinto ako. Prenting nakasandal sa counter sa mismong reception area ng secretary ko si Mr Del Fierro. "...Always looking good my love. "rinig kong wika nito. Ngumiti naman ang sekretarya ko. T-taken na sya?? Inis na tinutusok ko ang brocolli sa plato habang nakatitig sa dalawang taong nasa di kalayuan. Nandito ako ngayon sa canteen sa mismong groundfloor at, kumakain mag isa. Para lang akong nanonood ng romantic movie habang nagsusubuan si Harris tyaka yung secretary ko. Ang sweet. Magkadiebeties sana kayo. Nung lunch time na kasi nagmamadaling umalis tong si Harris, alam ko naman na papunta yun dito e,kashare nung sekretarya ko at oo nga tama ako. Nauna akong umalis sa canteen. Mas mabuti pang bumalik nalang sa opisina. "Shes not yet ready. Harris texted me that he caught her not listening to his lecture. Shes too happy go lucky. Masyado syang inispoiled, and look... baka ng dahil sa kanya. Ang binabangon mong kompanya ay tuluyan ng masira. Diosdado?Tama nga ba na ipinakasal natin si Glamour sa anak ng business tycoon na yun? " Natigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko mula sa saradong conference room. Boses yun ng asawa ni Dad. Hindi ko maiwasang dahan dahang lumapit sa saradong conference room at inilapit ang tenga ko rito. "...Theres no so much time left, Helena. Iam...dying. My brain cancer is penetrating and a month or so, baka hindi ko na tuluyang mahawakan ang kompanya,hindi ba pinilit kong kumbinsihin si Glamour noon, pero nagmatigas sya na hawakan ang kompanya. He wants to stand on its own. Just like Grayson. Parehas akong pinapahirapan ng mga anak ko...kong hindi ko lang binigyan ng kondisyon si Glamour hindi nya tatanggapin ang alok kong pakasalan ang anak ng bestfriend ko..." "Then why do you have to remain quiet when it comes to...your health. Bat ngayon mo lang sinabi. Asawa mo ko. Diosdado. " Narinig ko nalang ang mahinang paghikbi ng ginang. "...Dahil, hindi ko kayang makitang mag alala ka pa. Helena... " "Kong ganun, bakit hindi nalang ako ang hayaan mong magpalakad ng distillery... your daughter in law can't make it. " "...Nope. Yun ang napagkasunduan namin ni Simon, ipapakasal ko ang anak nya at ibabangon muli ang negosyo, at ang anak nito ang mamamalakad ng kompanya. " Napahawak ako sa bibig ko. Saka dali-daling umalis sa harapan ng pinto ng conference room dahil narinig kong may yabag na papalabas. Pagpasok palang ni Harris, at nagsimulang mag lecture parang nagkaroon ako ng interes na makinig. After all that ive heared. Bibiguin ko ba si Dad? Isinusulat ko pa ang notes, sa mga terms na hindi ko maintindihan,pero habang nagsusulat may parang patak ng tubig na bumasa sa sinusulatan ko. Doon ko lang narealize na lumuluha na pala ako. "Here... " Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang puting panyo na nakaharap sakin. Nang tignan ko iyon ay si Harris pala ang may hawak. "Is our lecture tough. Im sorry madame"wika nya sa akin pero ngumiti lang ako. Nahihiya ko pang kinuha ang panyo at pinahid ang luha sa pisngi. Pakiramdam ko mabigat ang responsibilidad na kailangan kong gampanan. "Thank you... please continue.. " Nagpatuloy ang lecture,pero hindi ko na rin makuha ang iba kaya naghingi muna ako break. Iniwan naman muna ako ni Harris para doon. ****** Nilalaro-laro ko pa ang ballpen na hawak ko ng pumasok na si Harris, dala ang apple laptop nito. May hawak pa syang remote para sa maliit na projector for his lecture presentation. "Lets start madame..."Pauna nya. Sinet-up nya na lahat at saka pinatay ang ilaw. Bumungad sa mga mata ko ang framework ng business partners.Ipinakilala nya isa isa ang mga ito.Inexplain nya sa akin kong sino sino sila at nakita ko na rin doon ang pangalan ni Dad. He is co-partnership at may malaking shares sa kompanya. Sumunod nitong isalang ay ang assets at marketting structures sa pagbebenta ng alak. Ang mga original at flavored wine at ang iba naman ay ang wine dates sa bawat label ay 70 or 80 years na ang edad. Then the presentation ended. "...Thats all for today. But id like you to announce, Mr Chairman wants your presentation for tomorrow...at the conference... " Napaawang ang labi ko. This is the reality. ***** Madaling araw na ata ay gising pa ako. Andito na ako sa bahay na iniregalo samin ni Dad. Two storey typed sya at glass wall. May terrace pa sa taas.Tatlo ang kwarto, para daw sa magiging anak namin pero, ngumiti lang ako. Si Dad ni bakla ang naghatid sa akin dito. Ginodluck pa ako sa presentation ko bukas. Habang nagrerecite at wala namang tigil sa pagvibrate ang phone ko. Kaya naman tinignan ko na ang tawag. Rumehistro ang pangalan ni Emily. Bestfriend ko yun. Sa kakukulit nya ay sinagot ko na yun. "Bakit.. " "Maam, si Helga po ba ito? Bartender po ito. Yung kaibigan nyo po kasi e natutulog na dito. Pwede nyo ho bang kunin sya dito. Itetext ko nalang yung address.. " Saka naman nito pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ay may text message na akong natanggap. Address nung mismong bar. No choice ako kundi puntahan ang gagang yun. Mamaya marape pa yun e. Kasalanan ko pa. Pagbaba ko. Sumalubong kaagad sa akin ang red lamborghini na regalo samin nung isa sa kaibigan ni Dad, marunong naman akong magdrive,hawak ko na din ang susi na nakalagay pa sa wallet ko. Sinimulan ko ng paandarin ang makina.Inapakan ang selinyador para mas mabilis akong makarating. Buti nalang walang traffic enforcer. Pagdating ko ay, pinark ko kaagad ang kotse sa tapat. Papasok na sana ako ng harangin ako ng guard.. "Miss bawal po ang suot nyo.We have a dresscode.. "sagot ng guard. Tinignan ko ang mga nagdaraan ,may nakamini skirt,yung iba naman ay nakatube at short shorts, meron ding naka above the knee dress na spaghetti strap. Pagtingin ko sa sarili. Naka pajama pa pala ako. "Pasensya na. Tumawag kasi yung bartender e. Yung friend ko kasi dito lasing na. Ako yung chaperon nya.. "Giit ko. "Miss hindi nga pwede... lumang style na yan..ALIS! "Nagulat nalang ako ng itulak ako ng antipatikong guard. Bago pa ako mapaupo sa sahig ay may kumapit na sa braso ko. "...Why did you hurt her??" Pagharap ko roon. Unti-unti akong napangiti. "Crush... "nya. "Polo? " Naramdaman ko nalang na hinapit nito ang bewang ko, saka humarap sa guard. "Iam with her... papapasukin mo ba kami o,sisisantihin kita.. "wika nya. Agad naman umalis sa dinaraanan namin ang guard. "Ayos ka lang ba? "tanong nya ng makapasok na kami sa loob. Tumango tango ako. " What brought you here?" "Yung kaibigan ko. Iuuwi ko na lasing e. "sagot ko. "Ano? " Malakas kasi ang tunog ng tugtog kaya siguro ganun ang response nya. "Yung friend ko lasing na, iuuwi ko na.. "Nilaksan ko na. "Ah... wheres your friend? " Hinanap ko sya sa mga umpukan ng tao. Sa barcounter ko pala sya makikita. Agad naman akong pumunta roon at nakita kong nakasubsob na ito roon. "Kayo na po ba yung friend nya"Rinig kong sabi nung bartender. Tumango naman ako. Ipipiggy back ko sana sya ng maisip kong ang bigat pala nya. Habang nag iisip ako ng gagawin sa kanya ay may nagbuhat nalang sa kanya na parang sako ng bigas. Iniangat ko ito ng tingin ng makita kong si Polo iyon. "San ko sya ilalagay? "sabi nito. Nahihiyang tinuro ko ang labas at nakarating kami sa parking area. "Dito, salamat ah. "sabi ko rito saka itinuro ang dala kong sasakyan. Agad naman syang gumalaw at saka ko naman binuksan ang pinto ng backseat. Maingat nya pang ibinaba si Emily roon. Tulog na tulog ang bruha. "...Aalis na ako. "wika ko rito. Sasakay na sana ako sa kotse ko nang hawakan nya ang braso ko. "...Ilang beses na tayong nagkikita pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. Its good to see that your bodyguard is not around.. "sabi nito. Bumuntong hininga ako. "Iam Helga. "sagot ko. "...Alam mo bang nagtatampo ako dahil iniwan mo ko sa resort.. " Nahihiyang napayuko ako. "Pasensya na ah-----oy teka!anong ginagawa mo? " Gulat nalang ako ng hatakin nya ako papasok ng bar. Huminto lang kami ng makarating na ulit kami sa loob. "I wont accept your sorry... unless you drink with me. "sabi pa nya ng makaupo sya sa stool at sumenyas sa bartender na gawan sya ng alak. "...Ah eh... next time nalang walang maghahatid kay Emily... eh" Umiling sya. "My bodyguard will take care of her safe and sound. We have a hotel. She will comfortable free to sleep there safe and sound... "pagkasabi nito niyon ay tumingin ito sa gilid. Isang nakasuit na lalaki. Lumapit naman ito sa akin,asking for my keys. "...Sorry pero hindi talaga pwede e" Sumimangot ito. "...But you just, making me upset.. " Pumikit ako ng mariin at pikit matang ibinigay ang susi. Saka lang ito malawak na ngumiti. "Now were talking.." ****** Nagising akong pumipintig sa sakit ang sentido. Iginala ko ang paningin at kunot noong pinagmasdan ang paligid. Black and white, motiff na wall habang may nakasabi na malaking mona lisa portrait sa harap. Humahampas na rin ang hangin sa akin galing sa bukas na glass window. Saan bang lugar------ Pagbaba ko ng tingin ay nanlaki nalang ang mata ko sa suot ko. Isang malaking white tshirt at underwear nalang ang ang nasa loob. Anong nangyari? Kumabog ang dibdib ko nang makita kong lumabas mula sa wooden door ang walang pang itaas na lalaki.Di maipagkakaila na perpekto ang hubog ng katawan nito.Habang kinukuskos nito ang basang buhok. Hindi ko kinayang tumingin sa baba dahil yare ang inosente kong mga mata. "Anong nangyare? "Naiilang kong tanong. Ngumisi sya at yumuko. "...Wow, I cant believe it. Nakalimutan mo? " Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng mas inilapit pa nya ang mukha sa akin. "Were..making------" "NO!" Putol ko rito. "Nasan ang mga damit ko."Seryosong wika ko na hindi man lang tumitingin dito. "Why? ...hindi ka ba nasiyahan? " Naramdaman ko nalang na lumubog ang side ng kama. Meaning umupo ito roon. "I said where is my clothes, ibalik mo sakin. " Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa. "Nasa laundry, dont worry I dry cleaned it.. " "Nasan... " Tumayo ako. Naglakad sya at maya-mayay dala na ang nakatuping pajama ko. Nagmamadali ko pa iyong kinuha. "Wheres your bathroom? " Tanong ko dito na nakatayo na sa harap ko. "Well.. if your going to change. Why dont you change it infront of me.. " Nanggigigil na palabas na sana ako ng mahigpit nitong hinawakan ang braso ko para pigilan ako sa pag alis. "Just kidding... Chill, ka lang, doon ang banyo.. " Sabay nguso nya sa dulo ng kwarto. Nagmamadali naman akong nagbihis. Habang nagbibihis ay halos iuntog ko na ang sarili sa tiled wall. Ngayon nga pala ang presentation ko. ***** Hindi ako nagsasalita ng makarating na ako sa kompanya. Polo insisted to accompany me. Ayoko ko sana pero kong hindi ako umuo ay hindi nya ako paaalisin. "...Are you mad? " Hindi ko pa rin magawang magsalita. Naiinis ako sa sarili ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang presentation at ang, nangyari na hindi ko maalala kagabi at ang pressure sa pagiging CEO. Lumabas ako ng kotse na hindi sya nililingon. I needed to be calm. I needed to be professional,pero professional at kagalang-galang pa ba yung ginawa ko? Pagbukas palang ng elevator ay pumasok na ako. Hindi pa rin maawat sa pagkabog tong dibdib ko. Hindi pwedeng madisappoint ko si Dad hindi pwedeng---- Pagbukas ng elevator ay sya ring pagtama ng mata ni Dad sa akin. Naglakad ako papalapit rito. Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga tao sa Conference room. Paglapit nito sa akin ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi nito. "..Your early... to close the presentation.. " Yun lang at pumasok na ito sa elevator. Papasok na sana ako sa loob ng magsara ang elevator. Wala akong choice kundi gumamit ng stairs. Kailangan kong maabutan si Dad. Hingal na hingal pa ako nang makarating sa baba pero nakasakay na si Dad sa kotse nito. Napaupo nalang ako sa sahig,dahil sa pagod. Jeez! Kasalanan ko ang lahat! ****** Hindi ako mapakali habang nakaupo sa swivel chair.Nakabalik na kasi ako sa opisina ko. Pabalik balik lang ako doon na parang di mapaanak na pusa. Napakatanga mo talaga! Dapat hindi kana nagpunta doon! Hindi sana nangyari ang lahat. Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil kinakausap ko ang sarili ko. "Paano na? Anong gagawin ko. Ginawa ko ba talaga yun? Did we make out? " Naisatinig ko na. "Making out? Who did it? " Pagpihit ko ay napaatras ako sa gulat. "B-bakla?ke-kelan ...ka pa dyan? "Nautal ba ako? SWITCH.GROOM
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD