Chapter 1

2581 Words
Nagising ako nang maramdaman ang biglaang pag-lubog nang aking kama. "Wake up sleepy head! It is already seven in the morning babe!" Nakadapa ako sa kama at tinatamad na binuksan ko ang aking isang mata. Tila kay bigat ng aking mga talukap kahit ‘di naman ako late natulog kagabi pero ba't kay hirap pa rin gumising ng maaga. Sinilip ko ang ngayo'y nakadapang si Nathan na ginaya ang aking posisyon; nakadapa at ang isang braso ay ginawang unan, ang mukha'y nakaharap sa akin. "Too early beh..." Tamad kong saad, gusto ko pang matulog. "Anong too early too early ka dyan! Baka nakalimutan mo may out of town tayo ngayon with the gags! Nasa baba na nga sina Justin at ikaw nalang princesa ang tanging hinihintay " Paalala nito. "Oh, s**t! ba't di mo ko ginising ng maaga! " Agad naman akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang napagkasunduang three days’ vacation sa Hernandez Paradise, isang resort na pagmamaayari ng pamilya ni Kuya Justin at kakambal nitong si Ate Jazlyn. Alas syiete ng umaga ang napagkasunduan naming magbabarkada na assembly time at dahil isang Van lang ang gagamitin ay napagkasunduang isa-isa kaming susunduin. Nathan and I are neighbor’s kaya nandito 'tong kumag na ito ngayon. Di ko na sinulyapa pa ang alarm clock sa night table ko. Dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at patakbong pumasok sa banyo. Nang matapos ay nakatuwalya rin akong lumabas ng banyo. Bahagya ko pang sinulyapan si Nathan na kampanteng nakasandal ang likuran sa headboard ng aking kama at busy sa paglalaro sa kanyang cellphone. He was wearing a short sleeve button-down beach polo and a board short. Dumiretso ako sa aking walk-in closet at doon na naisipang magbihis. He's my childhood best friend, Nathaniel Aaron Ferrer. Our moms were and still best of friends. We grew up together and we treated each other as siblings. Their house is just across ours. We visited each other’s house so often that we almost forgot that we were not living in the same roof. We are so comfortable with each other that sleeping together is no big deal anymore. Like him, I am also an only child. Though both of our parents are so busy we never felt so alone because we always have each other. Nang makapasok na sa aking walk-in closet ay pinili ko ang isang tattered denim shorts at white long sleeve button-down polo at two-piece white bikini. Sa walk-in closet may kabilisan ang aking kilos sa pag-suot ng mga damit at sa pagmamadali ko ay muntikan pa akong mitumba. Mabuti nalang ay agad ako nakahawak sa dingding. Ni-ready ko kagabi ang mga dapat kong dadalhin na kakasya sa loob nang tatlong araw. Matapos akong magbihis ay lumabas agad ako sa walk.in closet na may tuwalyang nakaikot sa basa kong buhok, ganoon parin ang ayos ni Nathan sa ibabaw nang kama ko, ni di ko makikitaan ng pagmamadali. "Hoy, babe! Tumayo ka na dyan! Nakakahiya kina kuya justin!" "Get your hair dry first, we still have an hour." Saad nito na nakangisi, na di inalis ang mata sa screen ng sariling cellphon. "Anong-" Nagtataka kong tanong at agad sinulyapan ang alarm clock. Sobrang inis ko nang makitang alas sies palang ng umaga. "Tangina mo, Nathan!" Kinuha ko ang isang unan sa may paanan nya at inihampas ko sa kanya, agad naman nyang naiharang ang mga braso. Napatayo ito mula sa pagkakaupo upang umilag sa sunod ko pang hampas, kaya binato ko nalang ito sa kanya. "Hey! Bad mouth!" Nakatayo na siya ngayon at tumatawa. Ibinato ko pa ang isa kong unan na mabilis din niyang inilagan. "Nakakainis ka!" Singhal ko sa kanya at padabog na umupo sa silyang kaharap ng aking vanity table. Inis kong tinanggal ang tuwalya sa aking ulo. I turned on the blower . "Sorry na, babe. Ikaw kasi, it took you years bago matapos magshower plus magbibihis kapa plus that one, pagpapatuyo mo ng buhok. Im sure we will go down late if I did not lie to you. "Natatawa pa rin niyang saad na ngayoy nakaupo na sa kilid ng aking kama, nakapwesto sa likod ko. "Shut up!" Pagbabara ko sa kanya. "Kainis ka kung alam mo lang anong ligo yong ginawa ko matapos lang agad. Wala kang puso, gago ka." Angil ko sa kanya. Sinusuklay-suklay ko na ngayon ang buhok ko habang sinasabayan ng blower. I have long black hair na ang haba'y abot hanggang baywang. Nakailang strokes pa lang ako nang tumayo si Nathan at lumapit sa likuran ko. "Let me." Kinuha niya ang blower at suklay mula sa aking kamay. Inayos ko naman ang aking buhok sa likod. Nakasanayan na niya itong gawin everytime makikita niya akong nagblo-blower. Siya daw kasi yong nahihirapan sa akin. "Your hair is too long, still don’t have a plan to cut it?" Pagiiba niya nang usapan, alam kasi nito madali lang mawala ang inis ko sa kanya lalo na kapag ganitong may ginagawa siya para sa akin at oo, tila nakalimutan ko kaagad ang inis ko sa kanya. "Pagiisipan ko pa. I might cut it pero konti lang. Sayang kasi." "Well, sayang nga you have very smooth hair." Compliment nya. "Do you think bagay sa akin ang short hair? Bob cut?" Tanong ko sa kanya. "Nope, You're prettier on long." Nang matapos niyang e blower ay nilugay ko lang yong buhok ko I put a little powder, cheek and lip tint. I did my eyebrows then, I’m done. "Let’s go downstairs baka maya-maya darating na sina Kuya Justine." Tumayo ako at kinuha ang maliit kung backpack. Kinuha naman niya ang trolly ko, kung saan nakalagay lahat ng gamit ko for vacation. Nauna akong pumanhik pababa, nakasunod naman siya sa likuran ko In-saktong pagbaba namin ay siya namang busina ng sasakyan ni Kuya Justin, hudyat na nasa labas na sila . "Nandyan na sila babe. Where are your things?" Tanong ko sa kanya sabay lingon ko dito. "Go ahead, I’ ll just get my bag na sa sofa." Sagot naman niya sa akin. Nauna na nga ako at lumabas sa gate naming. Nakita ko kaagad si Kuya Jeric na nakatayo sa labas nang Van. Nakabukas na ang van at hinihintay nalang kaming sumakay. "Naks! Aga gising ah, ‘di na late." Nakangising kantyaw ni Kuya Jeric sa akin. "Naks! Wala ng eye bags ah, ‘di na masakit?" Ganting kantyaw ko sabay ngisi ng nakakaloko. Nawala bigla ang ngisi niya. His three years girlfriend Ate Glyden broke up with him the day she saw him making out with another woman sa bar na pagmamayari ni Kuya Adrianne. Kuya Jeric was a well-known playboy back then, before he met ate Glyden. She changed him but that’s what we thought before Ate Gly caught him with another woman. It's been two months since it happened but Kuya Jeric was so persistent on pursuing her. To get her back but Ate Gly was so hurt and since that day even a single second, she never talk to him again . "Whatever, Gabriella Silang!" Anas ni Kuya Jeric. Napikon yata. Narinig ko pang tumawa si Kuya Adrianne naki-high five pa sa akin na nakaupo sa second row katabi ang isang magandang babae na di ko alam ang pangalan dahil iba na naman ito doon sa huli nyang ipinakilalang girlfriend. Halos linggo-linggo yata ito kung magpalit ng babae. Narinig ko ring tumawa si Kevin katabi ang girlfriend nitong si Cheska. “Hi, Chezka!” I greeted her. “Good morning, Gabby.” She smiled at me, I smiled back at her. Mukhang seryoso na si Kevin dito dahil ito na yata ang pinakamatagal nitong naging girlfriend, mga apat na buwan. Nakaupo sila sa pinakalikod ng Van. Well, baka nga dahil matagal na niya itong crush at ibang-iba ito sa ibang babaeng dinadala ni Kevin noon. Mabait rin si Chezka. Ang ganda niya kahit walang ka-arte-arte ang mukha. Nandito na rin si Miggy, na nakapwesto sa likod nina kuya Adrianne. “Hi, Gab.” Inismiran ko siya, tumawa sina Kuya Adrianne at Kevin. “Naglilihi ka ba? Isako kaya kita.” Binelata ko siya. Inunahan ko na siya dahil mangangatyaw na naman ito. Pumasok na ako sa loob nang Van. Bago ako umupo sa bakanteng upuan sa likod ng driver seat na sinadya talagang ibakante para sa akin dahil alam nilang mahihilo ako kapag nasa likod. Nakipag-beso muna ako kai Ate Jazlyn na nakaupo sa shotgun seat katabi ang kakambal nitong si Kuya Justin na siyang nag dadrive ng van. "Good morning Kuya Justine!" Bati ko kay Kuya Justin. "Good morning sweetie!” Ganti niyang bati sa akin. Nang makaupo’y nilingon ko muna ang likod. Nandito na pala ang lahat, kami nalang pala ang kulang. “Hi! I’m Gabby.” Bati ko at pagpapakilala sa bagong girlfriend ni Kuya Adrianne. “Hello! Mitch nga pala.” We shake hands. Lumabas na rin si Nathan at tinungo ang likod ng Van upang ilagay ang aming mga bagahe. Pagkatapos ay sumakay at umupo sa bakanteng upuan katabi ko. Pumasok na rin si Kuya Jeric at pumwesto sa single chair katapat kay Kuya Adrianne. Graduatee na ako this year kami ni Migs at Kevin, I took up architechure while Migs and Kevin both took up Civil Engineering. Kuya Justin and Ate Jazlyn ay parehong nagtratrabaho sa kumpanyang pag-aari ng mga magulang nila. Hinahanda na rin ni Kuya Justin ang sarili bilang kapalit ng ama bilang CEO ng kumpanya, ang Hernandez Group of Companies. Kuya Adrianne already own a well-known high-end bar. May sariling kumpanya din ang pamilya ni Kuya Jeric. Nag I-export ng mga furnitures sa ibang bansa na gawa din ng kumpanya nila. He is also train to be the CEO in the future, sa Saavedra Furniture’s and Designs. Nathan works as an Engineer sa kumpanya nina Kuya Justin. Since, ang company ng kambal ay isang developer company. Even though Nathan's father owns a construction business which also one of the top construction’s company ng bansa ay mas pinili niyang sa iba magtrabaho kaysa sa kumpanya ng sariling ama na nang-iwan sa kanila ng mama niya when he was just twelve years old. Maraming beses siyang sinuyo ng sariling ama na sa kanya magtrabaho dahil balang araw sa kanya rin ipamamana ang sariling kumpanya dahil wala itong anak sa ipinagpalit nito sa ina, pero matindi ang paninindigan ni Nathan na kailanman ay di babalik sa ama o hihingi ng anumang tulong mula dito. He saw how his mom suffered when his father left them. He saw her crying almost every night that really breaks his heart. I witnessed all his struggles. I was there to comfort him. We were high school buddies. Miggy, Kevin and I were classmates while Kuya Justin,Jeric, Adrianne, Ate Jazlyn and Nathan were also classmates. Since, Nathan and I grew up together, nakasanayang ko ng ‘di nagku-kuya sa kanya. Wala akong masyadong kaibigan na bababe. I am one of the boy’s kung baga. Hindi sa ayaw kong makipagkaibigan sa mga babae pero lagi nalang nila akong inaaway dahil may gusto sila kai Nathan, Kevin at Miggy. Tinatawag nila akong malandi. ‘Di ko sila maiintidihan, palagi silang may drama at puno ng kaartehan, di ko naman nilalahat pero yon ‘yong napapansin ko. Ganon din si Ate Jazlyn kaya madali kaming nagkagaanan ng loob. Miggy, Kevin, Nathan and I were neighbors bago sila nagsilipatan sa kani-kanilang mga condo ng magcollege kaya namin sila naging kaibigan. Nathan, Kuya Jeric, Justin and Kuya Adrianne were basketball team mates since highschool ‘till college. Since kambal ni Ate Jazlyn si Kuya Justin ay lagi itong nakakasama every may gig ang apat at isasama rin ako palagi ni Nathan. Noong di ko pa close ang mga kuya ko sinasama ko rin sila Miggy and Kevin para kapag busy si Nathan may iba akong kakwentuhan. Hanggang sa napag-gaanan na ng loob ang lahat. Every gigs, out of town trips at kung ano ano pang adventure ay kami-kami na ang magkakasama, nadagdagan lang kapag may isinasama na mga Jowa. ‘Di lang sa masasayang moments kami nagkakasama pati sa mga kalukutan. Kami-kami lang din ang nagdadamayan. Nagbreakfast muna kami sa isang kilalang restaurant bago nagpatuloy sa byahi. Sa kalagitnaan ng biyahe ay napahikap ako, napatingin si Nathan sa akin. “Come here.” Pinahiga niya ang kalahating katawan ko sa kandungan niya, unti-unti akong nahila ng antok habang hinahaplus-haplus niya ang buhok. Niyakap ko ang isang braso niya. Halos isang oras na naming binabagtas ang daan patungo sa resort nina Kuya Justine nang magising ako dahil sa mga tugtog na sinasalang mula sa stereo ng Van. Bumangon ako at umayos ng upo. Napatingin ako sa paligid. Pawang nagtatayogan mga puno ang nakikita ko, mga coastal areas at mga cliffs. The song was originally sang by Francis Magalona, the song titled Kaleidoscope Wold. "Some are pure and some half-bred, Some are sober and some are wasted. Some are rich because of fate and Some are poor with no food on their plate." Napatingin ako ni Kuya Justine sa harapan ng marinig ko itong kumanta. Napalingon ako kay Kuya Jeric nang sinabayan niya si Kuya Justine. Narinig ko ring napapa-hum na rin si Miggy. "Some stand out while others blend Some are fat and stout while some are thin Some are friends and some are foes Some have some while some have most” Sumali na rin si Nathan, Kuya Adrianne at Ate Jazlyn. Si Mitch at Chezka, tila nahihiya pang sumabay sa pagkanta. " Every color and every hue Is represented by me and you Take a slide in the slope Take a look in the kaleidoscope Spinnin' round, make it twirl In this kaleidoscope world " Nagkasabay-sabay nang kumanta ang lahat pagdating sa chorus. Napakanta na rin ako, pawang nakangiti kaming lahat. Ini.enjoy ang bawat lyriko at rythmo. Sunod-sunod na pumailanlang ang mga OPM music at sa bawat alam na kanta ay sumasabay na ang bawat isa. Isa ito sa pinakamasarap sa pakiramdam. Sa konting oras na magkasama-sama kaming lahat at sandaling nakakalimutan naming ang dinadalang bigat sa puso, ‘yong Ini-enjoy lang naming lahat ang saya, sumasabay sa bawat indayog ng kanta, ‘yong walang in.alalang problema, ‘yong ang alam naming lahat na masaya kami, sobrang saya. Ito ‘yong gusto ko sa pagkakaibigan naming, sama-sama sa ligaya, lalo na sa problema. Sumunod na pumailanlang ang Hanggang Kailan ng Orange and Lemon. Napasulyap ako kay Kuya Jeric na sinasabayan mag-isa ang kanta. Napatingin ako sa iba pa, napapasulyap rin ang mga ito sa kanya. Mukhang may binabalak. ‘Di man kami nag-uusap ngunit tila alam na naming ang iniisip ng bawat isa. "Labis na naiinip Nayayamot sa bawat saglit. “ Tila kay lungkot ni Kuya Jeric sa bawat bigkas ng lyrics ng kanya. “Kapag naaalala ka Wala naman Akong magawa" Napayuko pa nga ito. Bakas sa mukha ang lungkot. Nakikisabay na kami sa pagkanta, sabay tingin kai kuya Jeric na ngayo’y may pahampas- hampas na sa mga kamay na tila nagda-drum sa hangin. Dahan-dahan siyang napatigil sa kanyang pagkanta at isa-isa kaming tiningnan na nakakunot ang noo may bahid ng pagtataka. "What?" Inosente niyang tanong . At nang mag Chorus doon nya napagtanto nang sabay-sabay naming kinanta ang Chorus sa malaking boses at sinadyang palitan ang isang Lyric para mas lalo itong maasar. "Umuwi ka na GLYDEN! Hindi na ako sanay ng wala ka Mahirap ang mag-isa At sa gabi'y hinahanap-hanap Kita." “Tang-ina nyo!" Napamura si Kuya Jeric kasabay ang pagtawanan ng barkada sa loob ng Van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD