THIRD PERSON P O V " Ang tagal naman nilang umuwi!? " naiinip na wika naman ni Yell sa Nobyo, ang pamilya n'ya ang kan'yang tinutukoy na naki- birthday sa kasamahan sa pagtatanim at kumpare na rin dahil Ninong iyon ng kan'yang kapatid na si Gael. " Nasasarap siguro nang kwentuhan at inuman kaya hindi namalayan ang oras. " malumanay namang sambit ni Ryegunn. Naubos na rin kasi nila ang ni- timpla n'yang kape kanina at nakatapos na rin sila ng isang lumang movie na palabas sa TV ngunit hindi pa rin dumarating ang kan'yang mga magulang. " Kaya dapat kahit ordinary cellphone ay mayroon ang bawat isa sa inyo para madaling ma- contact kung kina- kailangan. " paliwanag naman ng binata. Hindi na lamang kumibo si Yell dahil mula nga kasi nang magka sakit ang kanilang Inay ay marami ang mga

