Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong magtiis at kaya mong manatili sa piling ng taong hindi ka kayang panindigan. Pipiliin mo ba ang taong mahal mo pero ang pinipili nito ay saktan ka? Mas pipiliin mo ba ang taong mahal ka na handang gawin ang lahat upang mahalin mo siya? O mas pipiliin mo na lamang ang manatiling mag-isa dahil takot ka nang masaktan pang muli? "Ma-ma...Ma-ma !"sabay na tawag ng kanyang dalawang taong gulang na kambal. Si Zion ang panganay at si Zianelle ang bunso. Both of them looked a lot like their father. Kahit na isang feature ay walang nagmana sa kanya. Dalawang taon na ang lumipas pero parang kahapon lamang ang nararamdaman niyang sakit. That night, natagpuan na lamang niya ang sarili na naglalakad sa daan. Ang naalala na lamang niya ay nawalan siya ng ma

