Alice
“Hoy, bakit para kang pinagtakluban ng langit at lupa diyan?” Napapitlag ako nang biglang sumulpot si Shirley sa tabi ko, may kasamang malakas na tapik sa braso na halos nagpabalik ng kaluluwa ko sa katawan.
Umupo siya sa harapan ko, saka inilapag ang tray niya.
Nag-blink ako nang makita ko ang laman.
Mansanas. Tubig. ’Yun na ’yon.
“’Yan lang ang kakainin mo?” tanong ko, kumunot ang noo ko habang nakanguso sa pagkain niya.
“Diet ako.”
Napatigil ako.
Diet… siya?
Talaga?
“Are you kidding me?” nanlaki ang mata ko. “Ganyan na ang itsura mo, tapos diet ka pa?”
Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, sinilip ko sa ilalim ng mesa. Sabihin ng OA pero hindi ko talaga napigilan. Slim na siya. Slim na nga, pero gusto pang maging… ultra-slim?
Girl. No.
“Cyrus said he wanted his girlfriend to be sexy,” sagot niya na parang normal lang. Automatic na nag-roll ang eyeballs ko.
“Ni hindi ka nga pinapansin no’n tapos iniisip mo pa kung ano ang gusto niya sa girlfriend?”
Hindi ko mapigilan. I mean… priorities.
“Kaya nga ginagawa ko ’to para mapansin niya. Para marealize niya na I’m a girlfriend material dahil ginagawa ko ’yung magpapasaya sa kanya.” Sabay ngiti pa siya, tipong hopeful na nakakainis at nakaka-cute at the same time.
Napailing ako nang malala.
“Seriously? Kung gusto mo talagang maging slim and fit, dapat ginagawa mo ’yan para sa sarili mo, hindi dahil sa kung anong gusto ng ibang tao. Lalo na ng lalaking hindi ka nga masyadong tinitingnan.”
Tumaas ang kilay niya. “Tell me, kaibigan ba kita?”
“I am telling you this exactly because I am your friend.” Halata sa mukha niya na gusto pa sana niya akong sagutin, pero ang ginawa niya?
She's my bestfriend and I'm willing to do anything for her. Kahit siya, alam ko na ganon din sa akin. As friends, we tell each other anything kahit na makasakit pa sa damdamin kung ikabubukas naman ng aming mga mata kagaya na nga lang ngayon.
“You know what, kumain ka na lang.”
Kinuha niya ang tinidor, tinusok ang broccoli ko at dinuldol sa bibig ko. Halos mabaliw ako sa ginawa niya.
Ngumanga na lang ako dahil wala na akong choice, then kinain ko ’yon habang nakatingin sa kanya nang masama.
She rolled her eyes. Ako rin sana, kaso busy ako sa pagnguya ng gulay.
Nagsimula na siyang kumagat sa mansanas niya. Hindi ko na siya pinansin kahit na irritated na ako nang very very slight lang naman. Hindi kasi tama ’yung “diet” niya, alam ko.
“So, kamusta ka naman?” tanong niya, parang wala lang.
Tumaas ang kilay ko. “Kamusta how?”
“After what happened to you last Friday night… wala bang bago?” Kumunot ang noo ko, saktong timing pa habang puno ang bibig ko kaya muntik ko talagang maibuga ’yung nilulunok ko.
Wait. Bakit parang may alam siya?
Hindi ko naman siya kinuwentuhan… right?
“Wait,” sabi niya, eyes widening. “Don’t tell me… may nangyari nga?” Kita ko agad ang kuryosidad na kumislap sa mga mata niya. “Come on girl, tell me…”
Huminga ako nang malalim.
Tinignan ko siya.
Excited na excited.
Halos nanginginig pa sa anticipation.
“Tangina, Shirley, you wouldn’t believe it,” sabi ko.
“Try me,” mabilis niyang sagot, leaning closer na parang tsismosa ng taon.
“I need to meet him later.”
“What?” halos mapaubo siya. “Did he contact you?”
“No.”
Nagtaas siya ng kilay, obviously confused.
“Then how did you agree to meet again?”
I swallowed. Hard.
“Unfortunately…” Hinawakan ko ang noo ko. “He’s Tito Lemuel’s younger brother.”
Natigilan siya. Literal.
As in parang na-freeze ng universe.
Nakatitig lang sa akin, hindi kumukurap.
“S-Say that again…”
“Nakababatang kapatid siya ni Tito Lemuel,” ulit ko, mas mabagal. “At nasa bahay siya kagabi kasi pinakilala kami ni Mommy ng aking future stepfather sa kanya.”
“Oh.
My.
Queen.”
Napasandal siya.
“Is this… fate?”
“Ridiculous!” bulalas ko. “Hindi ako hopeless romantic na kagaya mo. And for your information”—diniinan ko pa—“nakalimutan mo na ba na may boyfriend ako?”
Para siyang na-slap ng reality.
Napakurap siya, tapos napatingin sa mansanas.
Dahan-dahan niya ’yong dinampot, saka kinagat na parang naubusan ng energy.
Para siyang nawala sa sarili.
Wala nang sparkle.
Wala nang excitement.
Kasi oo—
bigla niyang naalala: nagkasala nga pala ako kay Javier.
At mas malala? Hindi ko alam kung paano ko haharapin ’yon.
Nagkwentuhan pa kami ni Shirley pagkatapos non bago bumalik sa aming klase, pero halatang nawala ang dila niya nang ma-remind ko tungkol kay Javier. Hindi niya ako kinulit, hindi niya ako tinanong, wala. Tumahimik ang babaeng normally ay parang energy drink sa daldal.
Alam ko kung bakit. It's because she hates cheaters. As in, sagad as buto. Simula pagkabata, napanood niya kung paano paulit-ulit na niloko ng Daddy niya ang Mommy niya. At ang mas masakit? Wala man lang nagawa ang nanay niya kundi tiisin, lunukin, at magpanggap na okay sila para “buo ang pamilya.”
Shirley never forgave that.
Kaya para sa kanya, cheating = unforgivable.
Pero pilit kong ini-shut down ang guilt. Sinubukan kong mag-focus sa klase, magpanggap na attentive, magpakita na okay ako. Pero sa totoo lang ay hindi ako mapakali.
Parang may timer sa loob ko na pababa nang pababa habang papalapit ang oras na magkikita ulit kami ng soon-to-be-step-uncle ko.
Si Lance Richardson.
His name alone was enough para sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung sa nerbiyos o sa… ibang bagay na ayaw kong pangalanan.
Pag uwian, automatic na lumakad ang katawan ko papunta sa gate. Parang wala ako sa sariling nag-commute. Umupo ako sa taxi, nagsabi ng address, pero ’yung utak ko? Naglalakbay sa kung saan-saan.
Habang tumatakbo ang taxi, nakatuon ang aking mga mata sa labas ngunit hindi naman sa mga nakikita ko nakatuon ang atensyon ko kung hindi kay Lance mismo.
Pumapasok lahat ng tanong na pilit kong iniwasan: Ano bang balak niya sa akin? Bakit niya ako pinapapunta? Para lang sa phone? Really? At bakit natatakot ako? Bakit at the same time… parang may thrill?
Napabuntong-hininga ako. Umayos ng upo. Pilit na kinakalma ang dibdib.
Not working.
Pagdating ko sa building ng company ni Lance, napahinto ako sa sidewalk. Like literal na napahinto.
Ang lalim ng hinga ko habang nakatingala ako sa façade ng kumpanya niya, modern glass building, halatang pang-malaking tao. Puro tinted windows, sharp edges, holographic logo ng company name.
Nalaman ko kagabi habang nagkukwentuhan kami sa porch na CEO ng isang sikat na tech company si Lance. Yung brand na nakikita ko lang sa mall na pang-mayaman at hindi ko pa nahahawakan kahit kailan.
At ngayon? Papasok ako rito.
Alone.
Para harapin ang mismong may-ari.
Mismong lalaking nakahalikan ko three nights ago.
Napakapit ako sa strap ng bag ko.
“Hinding-hindi ito good idea…” bulong ko sa sarili ko.
Pero nandito na ako. At wala nang atrasan.