CHAPTER 6

1986 Words
Unang araw ni Christine sa trabaho. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli. Maagang maaga siyang gumising at inasikaso lahat ng dadalhin para kay Tristan. Nagluto din siya ng almusal nila. Pagkatapos ay naligo na siya at nagbihis. Saka naman niya ginising si Tristan at pinaliguan bago pinakain.  Pagdating nila sa opisina ay wala pa si Gabriel. Naupo muna sila sa may waiting area. Mayamaya ay lumapit si Leslie sa kanila.  “Hi baby boy.” Bati ni Leslie.  “Say hi, Tristan.” Utos ni Christine dito.  “Hi po.” Sumunod naman si Tristan at may kasama pa iyong pagkaway kay Leslie.  “Halika, Ms. Christine. Naibilin ka na sa akin ni Sir. Ituturo ko sa ‘yo kung saan ka pupuwesto. Lumakad ito sa isang kuwarto na katabi ng opisina ni Gabriel. Mas maliit ito kumpara sa opisina ni Gabriel, pero maayos naman at mayroon nang nakapwestong lamesa at upuan. Mayroon din itong maliit na sofa set. May nakasandal na mahabang console table sa dingding na may coffee maker at water dispenser sa tabi. Natuwa naman si Christine dahil hindi na niya masyadong kakailanganing lumabas dahil andito na halos ang kailangan nila ni Tristan.  “Salamat Miss…?” “Leslie. Ako nga pala ang sekretarya ni Sir. Tawagin mo na lang akong Leslie o kahit Les lang ha. Eto ang local number ko.” Itinuro nito ang telepono sa ibabaw ng lamesa na may mga nakasulat na local numbers and assigned names.  “Thank you, Leslie.”  “Okay. Mauna na muna ako. Doon lang ako sa pwesto ko. Pag may kailangan tawag lang ha.” At lumabas na ito ng opisina ni Christine. Habang inaayos niya na maiupo si Tristan sa sofa at maglabas ng children’s book para dito, nagulat naman sila dahil bumukas ang pinto na nasa tabi ng lamesa niya. Noon lang niya napansin na mayroon palang pinto doon.  “Hi, good morning! Hello Tristan...pogi pogi ah.” Bati ni Gabriel pagkapasok sa kuwarto. Napasigaw sa tuwa si Tristan at pinigilan naman ito ni Christine na mag-ingay. “Okay lang, wala namang makakarinig kasi malayo ang opisina natin sa cubicles ng staff.”  “Saan papunta yang pintong ‘yan?” Sabay turo ni Christine sa pintong pinanggalingan ni Gabriel.  “Ah, yan. Nakadugtong ‘yan sa opisina ko. Para mas madali kitang mapuntahan ‘pag may kailangan ako.” At sabay niyakap si Tristan. “Tsaka syempre para makita ko si Tristan.” Yumakap din ito sa kanya.  Haay...parang hindi ko na mapapaghiwalay ‘tong dalawang ‘to ah. Sa loob loob ni Christine ay mukhang mas close na ang anak niya sa boss niya kesa sa kanya.  “In a little while, may darating na taga-HR. She’ll ask you to sign a contract. But before that, she will conduct a one-on-one orientation. Konting discussion lang about company policies. Then of course, tuturuan ka niya about operating this telephone, also with creating company email. She will discuss the tasks of an EA so just listen to her. Mabait naman yung si Ms. Santos. Matagal na dito yun. Feel at ease with her.”  “Okay.” Tumangu-tango lang si Christine.  “Parating na yun in 10 minutes. Come here Tristan.” Hinawakan nito si Tristan sa kamay at inayang lumabas ng opisina. “Isama ko muna si Tristan ha, para focus ka na muna sa orientation with HR. We’ll be back by lunchtime.”  Wala nang nagawa si Christine kundi tumango.  Nang dumating ang HR ay focused na si Christine. Kampanteng kampante siya kahit wala sa paningin niya si Tristan dahil alam niya na mapagkakatiwalaan niya si Gabriel. Natuwa din naman ang HR sa kaniya dahil madali siyang natuto at mabilis niyang nakabisa ang policies and regulations ng company. Madali niya ding nakagaanan ng loob si Ms. Santos.  Nang matapos na ang orientation ay hindi pa agad umalis si Ms. Santos. Natapos na din ang contract signing pero gusto pa din nitong makipagkuwentuhan kay Christine. Okay lang naman dito dahil wala pa naman siyang masyadong ginagawa.  “Alam mo ba, para hindi ka na magtaka, marami kang makikitang babae na papasok sa opisina ni Sir.” “Bakit po?” “Alam na alam ng mga tagarito na kusang lumalapit ang mga babae para makipag-s*x lang kay Sir.” “Ha? Bakit naman po? Wala ba silang mga boyfriend? Si Sir wala po bang girlfriend?” “Yung tatlong dalaga na madalas pumunta diyan kay sir e puro dalaga naman. Gusto lang nila ibigay ang sarili nila kay sir, walang dahilan. Doon sila masaya.” E kahit naman yata sino sasaya. Sumasagot si Christine sa utak niya.  “At yung girlfriend naman ni Sir na si Ma’m Pauline, minsan lang kung magpunta dito. Pero balita namin hindi talaga mahal ni sir. Parang may ibang mahal si sir na matagal na niyang hindi nakikita. Parang inaaliw lang niya ang sarili niya sa mga babae dito pero ni isa walang minahal si Sir sa kanila.” “Ha? Sino naman po yung babaeng ‘yon? Napakaswerte naman nun na pinag-lalaanan pala ng puso ni sir.”  “Wala talagang nakakaalam. Kahit ako na malapit na sa pamilya nila, hindi ko din alam kung sino. Pero baka tumigil na din siya sa paghahanap kapag ikinasal na siya.”  “Ikakasal siya!?” Napalakas ang tanong ni Christine at siyang bukas naman ng pinto mula sa opisina ni Gabriel.  “Ako ba yung ikakasal?” Agad na tanong nito sa dalawa. Namula naman si Ms. Santos at napahiya dahil nahuling nakikipag-chismisan. Mabilis itong nag-paalam at lumabas na ng opisina.  “Hi, nakabalik na pala kayo. Saan kayo galing bebe ko?” Hinarap ni Christine si Tristan na may hawak hawak pang cotton candy.  “We bought lunch. Dito na lang tayo kumain.” Si Gabriel ang sumagot sa tanong ni Christine. “Okay sige. Akina at ihahain ko sa lamesa.” Pagkaabot ng dalang supot ni Gabriel ay mabilis na inayos ni Christine ang mga pagkain sa lamesa. Ang daming putahe. Bukod sa fried chicken na alam ni Christine na tiyak inorder ni Tristan, ay mayroon ding braised beef, may lumpia, may lechon kawali, at chopseuy. Parang fiesta.  “Ang dami naman nito.”  “Okay yan, ayokong magugutom kayo. May binili din akong bottled juice nasa ref ko sa opisina. Feel free to get it, lalo kapag gusto ni Tristan.” “Grabe, sobrang spoiled na ata ni Tristan sa ‘yo. Tsaka buong umaga mo na siyang kasama, may nagawa ka pa bang trabaho?” “Yes of course, in fact I just came from a meeting, diyan lang naman sa coffee shop sa ibaba. He was with me and good boy itong batang to.” Ginulo niya pa ang buhok ni Tristan pagkasabi nito. “Nakaupo lang siya and I let him use my cellphone. He was watching a kid’s show on youtube.” “Really? Hindi ba nagtaka yung ka-meeting mo?”  “I introduced him as my son, para wala nang tanong tanong pa.” Nagtinginan pa sila ni Tristan at nangiti. Dahil kinausap na din ni Gabriel si Tristan na from now on he will introduce him as his son and he should call him tatay.  “Tatay.” Tinawag naman agad ni Tristan si Gabriel. “I want chicken.” Gutom na pala ito at natawa na lang sila at hinarap na ang pagkain. Tulad ng dati, kapag busog na si Tristan ay nakakatulog na ito. Marahang inayos ni Gabriel sa pagkakahiga sa sofa si Tristan at niligpitan naman ni Christine ang pinagkainan nila.  Mayamaya ay gumawa siya ng kape at inalok si Gabriel. Hindi naman ito tumanggi. Habang nakatayo si Christine sa may coffeemaker, naramdaman niya na nasa likuran na niya si Gabriel. Tumayo lang sa tabi niya na sobrang lapit at parang pinaparamdam lang ang init ng katawan niya. Hindi naman maitago ang reaksyon ng mukha ni Christine na biglang namula dahil sa naramdamang init ng katawan. Pinilit niya na magconcentrate sa pagtitimpla ng kape at hindi pinansin si Gabriel na mukhang nagpapapansin lang naman.  Hawak ng dalawang kamay niya ang isang tasa ng kape, dahan dahan siyang humarap kay Gabriel para iabot ito. Sa halip na kuhanin ang tasa, humawak din si Gabriel sa dalawang kamay niya na noon ay nakahawak sa tasa. At dahan dahang inilapit ni Gabriel ang mukha niya sa mukha ni Christine.  Ramdam na ramdam ni Christine ang mainit na hininga ni Gabriel sa mukha niya. Napapikit siya sa paghihintay ng susunod na mangyayari. Alam niya na hahalikan na siya nito sa labi. Pero sa noo niya naramdaman na lumapat ang labi ni Gabriel. Hindi siya makagalaw at baka matapon ang hawak na kape. Pagkatapos sa noo ay bumaba sa mga mata niya ang halik ni Gabriel. At pagkatapos ay sa ilong. Hmmm….simpleng halik lang bakit parang nanginginig na ang kalamnan ko?  Nang lumapat ang labi ni Gabriel sa labi ni Christine, hirap na hirap siya at hindi malaman kung pipigilan ba niya na mahulog ang hawak na tasa o ang matumba siya sa panlalambot ng mga tuhod niya. Subok na ni Christine ang mga halik na iyon ni Gabriel. Alam niya na para siyang mauupos na kandila sa sobrang sarap humalik nito. Kung paglaruan ni Gabriel ang mga labi niya ay parang ito na ang pinakamasarap na kending natikman niya. Nang pumasok ang mainit nitong dila sa loob ng bibig niya, may lumabas nang pag-ungol kay Christine at inalalayan na ni Gabriel na makuha ang tasang hawak nito sabay inilapag sa lamesa.  Sabay halos na nagyakap ang dalawa pagkalapag ni Gabriel sa tasa ng kape. Hawak ng isang kamay ni Gabriel si Christine sa likod nito at ang isang kamay ay nakasapo sa pisngi nito. Si Christine naman ay parang nakalambitin na nakapulupot ang mga braso sa batok ni Gabriel. Matindi ang paghahalikan nilang dalawa at halos rinig na rinig ang hininga nilang pareho sa loob ng tahimik na kuwartong iyon na ugong lang ng aircon ang maririnig.  Mayamaya ay binuhat ni Gabriel si Christine at inangkla ang mga hita nito sa balakang niya. Habang titig na titig kay Christine ay lumakad si Gabriel papunta sa lamesa nito at iniupo si Christine sa ibabaw bago muling hinalikan. May kasama nang tunog ng mga laway at nagbabanggaang dila ang ingay na maririnig sa loob ng kuwarto. Napapaungol na din si Christine sa sarap pero pigil na pigil lang ang pag-iingay niya. Bumaba ang ulo ni Gabriel sa dibdib nito at nilaro ng tikom na bibig ang mga nakabakat na n*pples na natatakpan pa ng damit na suot ni Christine. Nang ipasok ni Gabriel ang isang kamay niya sa ilalim ng palda ni Christine ay basang basa na ang panty nito. Idiniin niya ang katawan niya dito para maramdaman ni Christine kung gaano na din siya katigas sa ibaba at sabik na sabik. Napahigpit lalo ang yakap ni Christine. Nang ipapasok na ni Gabriel ang kamay niya sa loob ng panty ay biglang hinawakan ni Christine ang kamay niya at pinigilan ito.  “Huwag.” Pigil nito kay Gabriel.  “Why?” Nagtiim-bagang si Gabriel sa sobrang pagpipigil.  “Wala lang. Basta huwag.”  Alam ni Christine na hindi siya dapat nagpapadala sa tawag lang ng laman. Mali na maging katulad siya ng mga babaeng pumipila kay Gabriel.  Pagkatapos ay tumayo na ito at inayos ang sarili niya. “Balik ka na muna sa opisina mo, Sir. Ihahatid ko ang coffee, papainitin ko lang uli.”  Wala nang nagawa si Gabriel kundi sumunod sa sinabi ni Christine. Nang makabalik siya sa opisina ay dumating ang head ng sales na si Dina Mendez. Isa ito sa mga babaeng binibigay din ang sarili kay Gabriel. Nagtatalo ang isip ni Gabriel kung makikipag-s*x ba siya kay Dina ngayon o hindi na lang muna dahil nasa kabilang kuwarto lang si Christine. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD