Nathalie's POV Ilang araw na ako nandito sa ospital matapos ang pagbisita sa akin nina ams. Naririto lamang ako sa loob ng kwarto ko at kapag tinatangka kong lumabas ay nahaharang ako ng mga bodyguards ni David sa pintuan. Hindi ata mga natutulog, dahil sinubukan ko minsang tumakas ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin sila. Wala rin akong cellphone ngayon kaya hindi ako makatawag ng pweding maglabas sa akin dito sa ospital. Teka, wala naman pala talagang makakapaglabas sa akin dito kung hindi si David. Pero ni anino niya hindi ko nakita nitong mga nakaraang araw. Baka nabaliw na ako rito kung walang tv sa kwarto. Kumpleto ang mga kagamitan dito sa kwarto ko. Cellphone lang at ang minamahal kong kalayaan ang kulang. Feel ko mukha na akong preso rito kung hindi lang ako naka-

