"Nag away ba kayo ni Joon?" Yun yung agad na tanong ni mommy sa akin nung pumasok ako. Nanunuod lang sa sala si kuya but i know na narinig nya yun. Sinundan ko si mommy sa kusina pero hindi ako sumagot. "Kung nag away kayo, pag usapan nyo." "O-opo mommy." Hindi ko alam ang isasagot ko. I feel really bad na akala ni mommy kami talaga. I can't blame her. Joon came here at ipinakilala ang sarili nya na boyfriend ko. For what reasons, i don't even know. Ngayon ako nahihirapan. "Aura." Biglang humarap sa akin si mommy. "May gusto ba sayo yung naghatid sayo kanina?" Napa atras ako. "P-po?" "May boyfriend ka na." It's a statement, not a question. Napayuko ako. "Ayoko makealam sa inyo pero isipin mo yung mararamdaman ni Joon kapag nalaman nya na may ibang naghahatid sayo." Malumanay lang

