Hindi ko alam kung ilang beses ako'ng humingi ng paumahin kay Ziel dahil sa biglaang pagka wala ko kahapon sa coffee shop. Tinatawanan nya lang ako, pero seryoso ako. Nahihiya ako sa kanya, pati sa mga kasama ko. "Wapak! Welcome back!" Malapad ang ngiti na bati sa akin ni Macoy. Grabe, parang isang araw lang kami nagkasama pero na miss ko bigla kakulitan nya. "Unang araw mo kahapon, pasaway ka agad." Naiiling na sabi nito pero natatawa habang nagpupunas ng baso. "Sorry." Nakanguso na sabi ko. "Okay na yan! Tara na, natatandaan mo pa naman mga ginawa natin kahapon diba?" Sabi naman ni Louie. Tumango ako tapos ayun na, nagsimula na ang pagdami ng mga tao. Si Ziel naman, parang may kino-compute sa table na nasa gilid. May mga papers sa table at malaking calculator tapos parang may sinu

