Napamulat naman ako ng aking mga mata at mabilis na umupo sa aking kama. Sinamahan ko pa iyon nang paghinga nang malalim lalo na nang sumagi sa akin na nahulog ako sa maliwanag na parte ng sapa.
Pagkatapos kasi no’n ay wala na akong maalala pero mabuti na lamang at nagising ako. Kaso ang tanging bumungad sa aking mga mata ay ang magarbong kuwarto.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ako. Kaya napahawak ako sa aking ulo at ipinikit nang mariin ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero ang tanging nasa isip ko lamang ay imposibleng may nakakita sa akin sa sapang iyon dahil wala naman akong ibang kasama.
Kaso iyong tumulak sa akin, hindi ko sigurado kung ano iyon. Basta sobrang lakas kasi at nagawa ko pang matumba. f**k this!
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking iniisip, saktong bigla namang bumukas ang pinto. Hindi naman maingay kasi kaya maririnig ko kahit ang aking paghinga.
“Gising ka na pala,” aniya nang isang baritonong boses. Kaya naman dagli akong napamulat at napatingin sa kaniyang gawi.
Ngunit bigla akong natigilan nang makita ko kung gaano kaganda ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi siya maputi kagaya ko. Kung tutuusin ay kayumanggi ang kaniyang kulay pero hindi iyon nakabawas sa kaniyang kaguwapuhan.
Magulo ang buhok niya ay wala rin siyang balbas o kahit bigote. Kaya kitang-kita ko ang matilim niyang panga na halos magbigay nang kakaibang kiliti sa aking puso.
Weird.
Ang kaniyang nga mata naman ay kulay hazel. Light brown kung tutuusin at kapag nasinagan o tinamaan ito nang liwanag, hahapdi ang mga mata nila.
Magulo rin ang buhok nito. May katangusan din ang ilong at higit sa lahat ay mapula ang kaniyang labi. Pakiramdam ko nga ay natural ang pagkapula ng labi niya.
“Handa na ang hapunan mo,” saad niya para kunin ang aking atensyon.
Hindi ko kasi namalayan na natitigan ko na pala siya nang gusto. Kaya hindi rin malabo na napansin niya iyon. Paano ba naman kasi? Halos mapunit na iyong suot niya dahil sa sobrang hapit nito sa kaniyang katawan.
“Nasaan ako?” tanong ko at hindi pinansin ang kaniyang sinabi. “Wala akong natatandaan na may ganito sa amin.”
Inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto para siguraduhin kung nasa magarbong kuwarto ba talaga ako at hindi nga ako nagkakamali.
“Hindi mo na kailangang alamin,” malamig na sagot nito na ikinatigil ko.
Ginagago ba niya ako? Kasi hindi naman ajo nakikipagbiruan tapos ganito ang sasabihin niya? Ang tino ng pagkakasabi ko pero heto siya, bastos kausap o talagang pinipikon lang ako?
“What the f**k?” gulantang na bulong ko habang nakatingin sa isang lalaki na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. “Who are you?”
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Paggising ko kasi, bigla na lang bumungad sa akin ang magarbong kuwarto. Ang tanging nakikita ko kasi ngayon ay puro gold o hindi kaya ay diamond.
Itong lalaking nasa harapan ko ngayon, nakasuot lamang nang simpleng white long-sleeves at itim na slacks. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang suot niyang hikaw dahil sapphire iyon. Natamaan kasi nang liwanag na nanggagaling mismo sa chandelier kaya bahagyang kumislap.
“Bakit ako nandito?” tanong ko nang hindi niya ako sagutin.
Guwapo siya ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ay magpapadala na ako sa mainit na titig na ipinupukol niya sa akin.
“Hyacinth,” malalim na boses niyang tawag sa aking pangalan na mas lalong nagpalalim ng kunot ng aking noo.
Paano niya nalaman ang pangalan ko kung hindi ko naman ipinaalam sa kaniya?
“Kailangan mong kumain,” aniya na nagpairap sa akin.
Tinatanong ko kung ano ang pangalan niya at kung nasaan ako pero hindi man lang niya nasagot iyon?
“Huwag mong ibahin ang usapan. Bakit ako nandito?” tanong kong muli nang hindi na ako makapagpigil.
Nakita ko naman ang pag-igting ng kaniyang panga habang nakatitig sa akin ang kaniyang kulay hazel na mata. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tinititigan ko ang mga mata niya, kumakalabog nang malakas ang puso ko.
Halatang pinipigilan niya ang inis niya pero kalaunan ay huminga naman siya nang malalim.
Sinulyapan ko naman ang tray na nasa ibabaw nang isang babasaging mesa at nakita ko kung ano ang mga pagkain na nandoon. Puro gulay.
“Kumain ka muna. Mukhang nanghihina na ang katawan mo,” pinadasahan naman niya ang aking katawan at mas lalong nagdilim ang kaniyang mga mata sa galit. “Malaki ang ibinawas ng iyong timbang. Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na iyan.”
Mas lalong umusbong ang galit sa aking puso dahil sa kaniyang binitawang salita. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ay galit.
Nagpunta lang naman ako sa gubat para mag-camping. Para magsulat at bigyan ng emosyon ang mga character sa manuscript ko. Pero ano ang nangyari? Napunta ako sa kung saan pero hindi man lang niya nagawang sagutin.
Dapat nga ay hindi ako nagtitiwala sa mga kagaya niya. Ngunit ano ang magagawa ko kung siya lang naman ang bumisita sa kuwarto ko?
“Why can’t you just answer my question?” napipikon na tanong ko.
Inis na umalis na rin ako sa kama at kaagad na nilapitan ang binatang nasa harapan ko. Mas matangkad siya nang ilang dangkal sa akin. Kaya ngayon ay nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay bahagyang nakayuko.
“Hindi naman mahirap sagutin iyon, hindi ba?” naghahamon na sambit ko.
“Hyacinth, huwag mong ubusin ang pasensiyang mayroon ako,” nagbabanta niyang pahayag pero napatawa ako nang pagak.
“Bakit ba hirap na hirap kang sagutin ang tanong ko?”
Binasa niya ang kaniyang ibabang labi habang nanatiling nakatitig sa aking mga mata. Nanuyo naman ang aking lalamunan sa kaniyang ginawa lalo na nang sulyapan niya ang aking labi na bahagyang nakauwang.
“Huwag matigas ang ulo, Hyacinth. Nagtitimpi ako,” paliwanag niya sa akin bago mabilis lumabas sa aking kuwarto.
“Wait lang!” sigaw ko at sinubukang bumangon. Kailangan ko siyang habulin. Kasi kapag hindi ko ginawa, maghihintay lamang ako nang matagal dito at iniisip kung ano ang puwedeng mangyari.
Fucking s**t! I just wanted to write a novel. Kaya nga nagpunta ako sa campsite pero bakit naman dito ako idinala? Ang malala pa ay parang masungit o hindi kaya ay malamig ang lalaking ’to.
Naiintindihan ko naman na normal lang ang ganitong scenario dahil hindi nga naman niya ako kilala. Nagawa ko nga rin siyang sungitan pero teka, tinawag niya ako sa pangalan ko, hindi ba?
Nang buksan ko ang pinto, saktong nasa harap pa lang siya ng aking kuwarto at paalis na sana. Ngunit nang mapansin niya ang presensya ko, bigla siyang lumingon sa akin.
“How did you know my name?” I asked.
“Hindi kita maintindihan. Puwede bang magsalita ka nang maayos?” malalim na boses niyang sambit.
Kumunot naman ang aking noo sa naging sagot niya sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin? Basic English lang naman ang itinanong ko sa kaniya pero hindi niya magawang intindihin?
Base sa kaniyang galaw, halatang mayaman siya. Hindi imposible na marunong siyang mag-English.
“What do you mean? English naman ang gamit ko. It’s freaking easy,” nalilitong giit ko naman.
“Nakakaintindi ako nang ganiyang salita pero hindi kami gumagamit niyan nang ganiyan kabilis,” paliwanag niya sa akin.
“Eh, bakit kailangan palitan ko kung sanay nga ako sa English? Hindi ba dapat ikaw ang nag-a-adjust?”
Imbis na sagutin niya ako, umiling na lamang siya at mabilis na naglakad paalis. “Magkita na lang tayo sa hapag.”