CHAPTER 18 - WHIRLWIND OF EMOTION
"What?!" I looked at Dranreb. "Y-you're joking right?"
"Alam kong nakilala mo ako na palaging nagbibiro, but I'm being serious to you. Your best friend is in danger." He said seriously.
Bumaling ako kay Emily and she slowly nodded. Hindi kinaya ng tuhod ko at napaluhod ako dahil sa narinig. Yumuko at tuluyan nang umiyak.
Marco comforted me. "Love, we will help you in fighting against our kind. Itatakas natin si Janella."
Pumantay naman sa akin si Emily. "I know your mind is in chaos, but let's get our ass there right now because they need our help." Saad naman ni Emily.
Tumayo ako at pinalis ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
"Let's go."
May kaguluhan pang nagaganap nang makarating kami ng La Sangrienta. Nakikipaglaban pa si Mama, si Tito Claudio at iba pang Dhampirs sa mga Strigois.
"Dranreb, ikaw ang mata namin dito sa labas." sabi ni Marco sa kaibigan niya ng tumigil kami.
"Sige, tol. Ako na ang bahala dito."
Lumapit kay Dranreb si Emily at hinawakan ang kamay niya. "Take care of yourself."
Tumango siya at kumindat. "I will. Liligawan pa kita, eh."
Nasilayan ko ang pamumula ng pisngi ni Emily. Now it is really obvious that Dranreb has feelings for her.
"Tara na!" Hinila na ako ni Marco.
Sumalubong agad sa amin ang dalawang Strigoi.
"Emily, dito ka sa likod ko." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
Kinuha ko ang silver stake at itinama sa pisngi ng kalaban. Humiyaw ito dahil sa sobrang sakit at umatras ng konti.
"You should go to your mother, Emily. I will lead you to her."
Tumango siya. Habang papunta kami kay Ginang Rosa ay umatake ulit yung Strigoi na nakaharap ko. Sinipa ko siya sanhi para tumilapon ito. Nagmadali akong hilahin ang braso ni Emily at ilang segundo lang ay nakalapit na kami sa ina niya.
"Salamat, Althea." Niyakap agad ni Ginang Rosa ang anak niya.
Tipid na ngiti lang ang sinagot ko at nakipaglaban na ulit. Nakita kong tumutulong na sa amin si Dranreb, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasugatan si Tito Claudio. Bigla akong kinabahan para kay Dranreb.
"s**t!" I heard Marco cursed.
Naging dark red ang mata niya at halatang nagpipigil. May sumugod na Strigoi kay Tito at mabilis na humarang sa gitna nila si Dranreb. Hinawakan niya ang leeg ng kalaban at agad na kinagat ito. So, yung pagiging sabik niya sa dugo ni Tito ay ibinunton niya doon sa kalaban. Mas pumula ang mata niya matapos sipsipin ang dugo ng kalaban at iniharap ito kay Tito. He knew what Dranreb wanted him to do and he obliged by staking the Strigoi right through the heart.
We continued fighting until all the Strigois who attacked us were down. Suddenly, a lady Strigoi appeared with Florence at iba pang mga kalaban. We gathered also and faced them.
I saw Florence smirked and I just looked at him from head to toe and copied what he did. Sumimangot siya, akala mo ha. Marco holds my hand and fills the spaces between my fingers. Nagtaka ako kung bakit niya yon ginawa ngunit napagtanto ko rin ang rason dahil pagbaling ko ulit kay Florence ay nakatingin na ito sa aming magkahawak na kamay.
"What a pleasant surprise." sambit ni Mama sa babaeng nasa gitna.
I wonder who she is, pero may hawig siya ni Mara.
"Indeed." Ngumisi siya. Nakaka-intimidate ang awra niya. "I commend everyone for giving us a good fight, but this is just an appetizer. The main course is yet to come."
She roamed her eyes and stopped at Marco and Dranreb, nawala ang kanyang ngiti.
"I see. You have two allies." Bumaba ang tingin niya sa kamay namin at sinulyapan ako. She smirked. "Oh, Marco.. you're in love." Humigpit ang pagkapit sa akin ni Marco. "You killed my daughter just to protect that guardian, magbabayad ka sa ginawa mo!"
Aatake na sana siya ngunit hindi natuloy dahil sa pagsasalita ni Tito Claudio.
"Nasaan ang anak ko, Arminda?"
Arminda? So she is the leader of Strigois and the mother of Mara.
"Your daughter? Well, kinulong na muna namin siya but the King is getting ready already. The King wanted to revive his lovely princess during the eclipse at pagkatapos ay gagawin na naming Strigoi ang unica hija mo." Humalakhak siya.
Nagbubulungan ang mga kasama namin, nagkatinginan naman sina Mama at Tito.
"You can't do that!" Tito Claudio shouted angrily.
"Of course, I can!" Arminda shouted and laughed again.
He was about to attack Arminda but Mama stopped him. "Claudio, huwag mong pairalin ang galit mo, baka pati ikaw ay mapahamak."
"Oh well, I'm spending too much time here." May halong sarkastiko ang boses ni Arminda. "I can't wait to see you all again, bye!"
Sa isang kurap ko lang ay nawala na sila.
**
Agad na tinipon kami ni Tito Claudio at pinag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina.
"The ward has been broken again, tanging si Pinunong Romulo lang ang may alam kung paano lagyan ulit ito. Siguradong hindi na magdadalawang isip ang mga kalaban na atakihin tayo dito." nagsalita si Ginang Rosa.
"Hindi na importante ang ward, Ginang Rosa. Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, kailangan natin siyang sagipin sa lalong madaling panahon."
Tumayo si mama mula sa pagkaka upo at nilapitan si Tito. "Claudio, pumirmi ka muna. Kanina ka pa pabalik balik sa paglalakad. Isipin muna natin ng maigi ang bawat hakbang na gagawin, huwag tayo mag padalos-dalos."
Kitang-kita ang paghihimutok ni Tito Claudio ngunit wala na rin siyang nagawa at pabagsak na umupo sa upuan kalapit sa mahabang mesa. Ang bigat ng pakiramdam sa loob ng silid, I need a breather.
I stood up, all of them were looking at me, even Marco. "M-magpapahangin lang ako saglit."
Hindi ko na hinintay na sumagot ang isa sa kanila at mabilis na lumabas sa silid. Naupo ako sa isang bench na nasa labas lang. Tumingala ako sa langit, unti-unting natatakpan ng ulap ang mga kumikislap na bituin, mukhang sumasama ang panahon. Ilang minuto nga lang ang dumaan ay bumuhos na ang malakas na ulan.
"Hey, you okay?" umupo siya sa tabi ko.
"I don't know, Marco. It's a whirlwind of emotion, there's a lot of things going on. Hindi ko alam kung ano o sino ang uunahin." Inilahad ko ang aking kamay at binasa ito sa ulan.
"Love, just take it one step at a time, don't rush things." Inakbayan niya ako, ibinaba ko ang aking kamay at sumandal sa balikat niya. "Do you want to talk about it? I'm willing to listen."
Nilaro ko ang aking mga daliri. "I-I want to save Janella, not because I'm her guardian but I am her best friend. You know, magkasama na kami simula pagkabata, kapatid na nga ang turing ko sa kanya."
"So, what's stopping you from saving her?"
"Alam mo na ang dahilan — the death of my father.. If it's not because of the King's order to find Moroi who has a spiritual ability.. If he didn't protect Janella from those Strigois, buhay pa sana si Papa."
Huminga siya ng malalim. "I thought you already realized the situation but it seems you didn't."
Umupo ako ng tuwid at tinignan siya. Mas lalo pang lumakas ang ulan.
"I did realize the things I've done. Ngunit hindi ko lang mapigilan na isipin ulit ang mga bagay bagay sa pagkawala ni papa."
"Thea.." inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko at nilagay ito sa likod ng tenga ko. "I know it's hard to accept but sayo na nga mismo nanggaling, if that order didn't happen, your father is still alive. Sadyang mapaglaro lang siguro ang tadhana, it is bound to happen. Also, your father is a former guardian, ginawa niya lang ang responsibilidad niya na protektahan kayo. Hindi mo maalis sa kanya yon."
To be continued…