chapter 2

1476 Words
pasimple kaming umalis ni kuya Edwin pagkatapos kong magbayad ng kinain namain,bago pa ako maituro ng mga tao doon dahil nag iimbistiga na ang tanod.ok na naman dahil naibalik ko na ang pera na nanakawin sana ng apat na kulugong lampa na yun. "sa tingin mo kuya Edwin nakilala kaya tayo ng mga tao doon sa bulalohan"?.tanung ko kay kuya Edwin. "makikilala ka ma'am dahil bini video ka ng ilang kumakain kanina"?.sagot nito sa akin. "peste!!!,baka malaman na naman ng mga utol ko yari na naman ako nito".bulalas ko. "Hindi naman masama ang ginawa mo ma'am, maiintidihan ka nila". pahayag nito. "sana nga,kaso closed minded sila kuya Edwin kaya malabong mangyari na maintidihan nila ako pero ok lang sana'y na ako sa kanila". tahimik kami sa byahe habang papalapit sa bahay namin may kunting kaba pero kayang kaya ng lusutan pagdating sa bahay.malayo layo pa pero tanaw ko na ang tatang ko sa labas ng bahay na parang may hinihintay,"paktay si ako mukhang may alam na ang tatang ko".saad ko sa aking isip. "welcome back self!!!!" sigaw ko pagdating sa tapat ng bahay namin habang pababa ng sasakyan ni kuya Edwin. "welcome back ma'am Dani"tugon ni kuya Edwin. "wala ng po pero may ma'am pa rin kaya hindi ko tatanggapin ang pag welcome mo, At hindi rin kita kaibigan makakaalis kana".mataray kong saad kay kuya Edwin. pero nakangiti lang ito sa akin at bumaba din ng sasakyan, tinulungan ako nito magbuhat ng bag ko. "ako na kuya Edwin uwi ka na".turan ko dito. "ma'am Dani ang bilin kasi ni sir Alvin sa akin ihatid kita hanggang sa loob ng bahay nyo ibilin pa nga daw kita sa tatay mo" " Anu ako kuting kailangan ibilin talaga"! taas kilay kong tanung. "naku hindi ma'am mahal ka lang talaga ng amo ko kaya subra kong ibilin ka". paliwanag ni kuya Edwin. "sabihin mo sa amo mong OA ok na ako at naihatid mong maayos at wala kahit na anung gasgas ok" sabay talikod ko. "anak patuluyin mo muna si Edwin sa loob". "ito na ang sinasabi ko isa pang OA ang tatang ko".bulong ko pero mukhang narinig ni kuya Edwin kaya tinawanan ako ng nakakaloko. sinamaan ko ito ng tingin pero ang loko ayun nakangiti pa rin.yun na nga nangyari ang gusto nila ang ibilin ako sa tatang ko.at natuwa pa si tatang ng malaman na nadismiss ako sa serbisyo.para daw may makatulong sya sa negosyo nya at makatulog na sya ng mahimbing sa gabi. "miss na miss na kita anak,halos sampung taon tayong hindi nagkita".lumuhang turan ng tatang habang mahigpit akong yakap. "tang namis ko rin po kayo syempre" ng bumitaw si tatang ng yakap nakita ko si kuya Edwin na nagpupunas ng luha. "hoy!!!!wala naman nakakaiyak nagdadrama ka jan".sigaw ko kay kuya Edwin na kinagulat nya. "ma'am naman, nakakaiyak kaya kahit walang drama".natatawang turan ni kuya Edwin. "ganyan talaga siguro anak pag tumatanda na mababaw na ang luha". "ahh hahahaha inamin nyo rin na matanda na kayo".natatawa kong turan sa kanila. "anak wala akong sinasabing ganun,tara na loob at mag meryenda Edwin pakibuhat ng bag ng anak ko".pag iwas ng tatang ko".sabay pasok sa bahay "kuya Edwin ako na lang magbubuhat ng bag ko matanda na kayo baka hindi mo na kayang magbuhat ng mabigat".nakangisi kong turan sabay taas baba ng aking kilay. "tatang mo lang ang matanda ma'am wala pa ako sa ganung level ng pagka matanda".at nagkatawanan kami. habang nagmemeryenda kami tumunog ang cellphone ko,nakita kong si alvin ang tumatawag kaya hindi ko sinagot.kaya naman kay kuya Edwin sya tumawag para alamin kung nakauwi na ako. si corporal Alvin Perez ay kababata at boyfriend ko since grade 4.tatlong blocks lang ang pagitan ng bahay namin,mayaman ang angkan ni Alvin at okay sa buong pamilya nya ang relasyon namin.at sa 20 years na relasyon namin hindi nagbago yung respeto at pagmamahal nya nananatiling consistent. gusto kong magsundalo kaya ginusto nya rin para daw lagi pa rin kaming magkasama,alam ko na may sarili syang pangarap pero isinantabi nya para lang makasama ako,at sinuportahan sya ng pamilya nya.naging ganap na sundalo kami at magkasama sa team ng halos 9 years at walang nakaalam sa team na may relasyon kami.professional kami pagdating sa trabaho at hindi kami tumitingin sa kung sinu ang mataas ang ranggo sa amin. kahit saang gyera kami mapunta at kahit saang lupalop ng mindanao pa walang pagdadalawang isip namin na hinaharap basta magkasama kami kaya namin lahat.marami kaming pinagdaan na pagsubok sa buhay pero magkahawak kamay namin na hinaharap. una ang pagkamatay ng nanay ko,10 years ago. "anak ikaw na ang bahalang magsarado ng store ha at magluluto pa ako ng hapunan natin kaya mauna na ako umuwi dahil darating ang tatang mo mamaya". bilin ng nanay sa akin. "okay po nay ako ng bahala dito".sagot ko. "pag wala ng tao anak magsara ka ng maaga ha". "opo nay,nasa labas na si Alvin inaantay ka". "wala syang lakad anak"?kulit ng nanay ko. "pauwi na sya nay,kaya sabi ko isabay kana". "o sya alis na ako". "ingat, deretso sa bahay nanay ha,wag na makipag date hahaha". tawa kong pang asar sa nanay ko. "lakas ng tama mo anak".asar ng nanay ko. "kunti lang nay hahaha" pang asar ko din. maraming tao sa grocery store namin kaya inabot ako ng 10 pm ng gabi.medyo malapit lang ang bahay namin kaya naglakad na lang ako pauwi hindi na ako nagpasundo kay Alvin dahil alam kung busy sya sa law school nya Lalo at graduating sya ahead sya sa akin ng 7 years kaya nauna syang grumadweyt sa akin. habang naglalakad makakasalubong ko ang isang grupo ng mga lalaki gumilid ako sa daan para hindi nila ako mabangga kaso yung isa sinadya akong banggain.kaya halos tumilapon ako sa damuhan.nagtawanan sila sa nangyari sa akin tumawa na lang din ako para tapos na.kaya lang napansin nung isa na babae daw pala ako kaya hindi ako pinadaan,pagbigyan ko daw muna sila bago ako padaanin.wala akong choice kundi ang harapin sila. "Anu ba ang ibibigay ko sa sainyo mga kuya wala nga akong dala kahit anu kaya wala akong maibibigay sainyo pasinsya na kayo"turan ko na kunyari ay takot ako.kaya nagtawanan sila. lumapit agad sa akin ang isa at akmang hahawakan ako pero inunahan kong sipain ang harapan nya kaya tumilapon sya at namilipit sa sakit.lalong nagalit sa akin at inutusan ang mga kasama hawakan daw ako at may gagawin sya.palapit na sa akin ang mga kasama nya kaya naghanda na ako ng matantya kong malapit na ay mabilis akong umikot at pinagsisipa ko sila. "matigas ka Babae pero hindi ka oobra sa akin"!.sigaw ng isang lalaki. Kaya naghanda ako sa pagsugod nila ilang sipa at suntok ang nailagan ko.ng mahawakan ako sa kaliwang kamay ng isa at nakita kong pasugod ang dalawa kaya ginamit ko ang kanang kamay ko para mahawakan ko ang kwelyo ng damit ng lalaking nakahawak sa kamay ko sabay hila para gawing panangga kaya ayun yung kasama nila ang natulog sa lakas ng suntok nila.nakangisi akong humarap sa kanila at naghanda sa pagsugod nila ulit.at nakita kong may hawak ng kutsilyo ang dalawa sa kanila.sumugod sila ng sabay sabay kaya sa mabilis na kilos umikot ako sabay sipa sa sikmura ng isa tumilapon ito at tulog na bumagsak kaya nawala sa focus ang ilan sa kanila,Kaya sinamantala ko para isa isahin sila ng bigla akong nakarinig ng boses na sumigaw ngunit hindi ko pinansin dahil ayoko mawala sa focus.ng matumba sa sipa ko ang isa pang lalaki huli na ng paglingon ko sa sumigaw na babae ay duguan itong humandusay sa kalsada .dahil sinalo nya ang saksak na para sana sa akin walang iba kundi ang nanay ko. dead on arrival sya ng dinala ko sa hospital at halos isumpa ko ang sarili ko sa mangyaring yun,bakit sya pa sana ako na lang.yun ang simula ng pagkawatak watak naming magkakapatid dahil galit sila sa akin kahit ako galit din sa sarili ko.hindi ako mapatawad ng mga kuya ko lalo na ako hindi ko kaya patawarin ang sarili ko. tanging sina tatang at Alvin ang karamay ko ng mga panahon na yun.alam ni tatang na hindi ko kasalanan at walang dapat sisihin kundi ang mga sira ulong adik na humarang sa akin para pagtripan ako. matagal bago ako nakamove on sa nangyari sa nanay ko pati pag aaral ko nagkandaletche letche pa kaya nag early retirement ang tatang sa pagiging police para lang magabayan ako at makapag focus ako sa pag aaral ko.kaya ginawa ko ang lahat para hindi madisappoint sa akin ang tatang.at sa wakas i graduated bachelor of science and business administration proud si tatang at si Alvin sa akin pero hindi ang dalawa Kong kuya. unang dagok sa relasyon namin ni Alvin ang pagkamatay ng nanay ko na magkasama at magkawak kamay naming hinaharap,walang sumuko sa amin at walang nagsawa.sa presence ng bawat isa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD