hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse na sinasakyan ni general Alano at ng tatlo pang lalaki na kasama nito ay hindi pa ako umaalis sa may gate ng bahay namin. ramdam ko pa rin ang panganib na dala nila na hindi mawala sa systema ko. kailangan kong mag doble ingat sa ngayon, wala dapat makaalam sa mga hinala ko sa kanila kailangan ko munang mapatunayan at alamin kung ano ang pakay nila. lalo na sa nagpapanggap na si general Alano. panganib din ang naramdaman ko sa kanya katulad ng naramdaman ko sa Russia sa tuwing malapit si Alvin sa akin . "pero bakit?at bakit siya nagpapanggap na si general Alano."mga tanong sa utak ko na walang kasagutan. kailangan ko silang maunahan bago pa sila gumawa ng hindi maganda sa pamilya ko. malakas ang pakiramdam ko na damay ang pamilya ko sa

