chapter 4

1700 Words
"Be ready,sonny and i will fetch you at 6:30 tonight". anito habang titig na titig sa akin. "let's see"saad kong mapang uyam. matamis itong ngumiti sa akin at bigla akong hinalikan sa gilid ng labi na kinatulala ko.dahil para akong kinoryente sa pagkabigla.simpling halik lang pero iba sa halik ni Alvin.at naikumpara ko kaagad ganun kabilis my goodness. "see you tonight misis perante".saad nitong lalong nagpatulala sa akin ilang minuto akong wala sa sarili, at ng lumingon ako nakita kong kausap nila si kuya mike at si alvin.nakaramdam ako ng kaba. Kaba na baka nakita ni Alvin ng halikan ako ni kapitan at maging dahilan ng away namin.nanghihina akong napasandal ulit sa kinauupuan ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. at maya maya pa ay narinig kong paalis na ang sasakyan nila kapitan.hingang malalim ulit bago ako tumayo at naglakad papasok ng bahay nagkasabay kami ni kuya mike papasok ng bahay at nakita kong medyo simangot ito. "baby mauna na ako ha,kailangan kong pumunta sa office ni dad ngayon may kunting problema lang,hindi kita maihahatid sa lakad mo ngayon ha".bungad ni Alvin ng pumasok sa bahay. "it's ok baby no problem,ingat ka sa pagdadrive".bilin ko at hinalikan sya sa labi habang nakayakap ako sa kanya "okay bye baby".ani alvin, at mahigpit na yumakap sa akin.at bumulong pa ng"i saw kapitan kiss you" Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni Alvin at subra subrang kaba ang nararamdaman ko.ngumiti sya sa akin pero madilim ang mukha nitong tumalikod sa akin at hindi rin humalik bago umalis at for the first time hindi sya gumanti ng halik sa akin.nakalabas na ito ng bahay ng matauhan ako kaya hinabol ko bago pa makasakay sa kanyang kotse. "baby hindi mo ba ako hahayaan mag explain?kinakabahang tanung ko. "baby, i love you and i trusted you okay,let's talk some other time i have to go". "kailan ba ang some other time na yan".?malungkot kong tanung. "maybe tonight or tomorrow night,aalamin ko lang muna kung anu ang problema sa office hmm". paliwanag nito at pinipilit na ngumiti. "okay, just text or call if you need me".saad ko. tanging mahigpit na yakap lang ang sagot nya sa akin. hahayaan ko munang harapin ni Alvin ang sarili nyang problema,alam ko na nasaktan sya sa nakita nya kaya uunawain ko sya. pumasok na ako sa bahay dahil kailangan kong sumunod kay tatang sa store. "Dani bago ka umalis paki plantsa ng damit ko nasa ibabaw ng kama gagamitin ko yun mamayang gabi at saka yung uniform ni kuya Lito isabay mo na daw ha,aalis na ako".bilin ni kuya mike "okay"sagot ko.hindi pa nga kami nagkakaharap ni kuya Lito utos agad. nag hanap muna ako ng makakain ko bago ako magsimula sa mga pinag uutos ng mga utol ko.habang namamalantsa ako ng tumawag si tatang at pinapahanda rin ako ng maisusuot nya para daw mamayang gabi."anung meron mamayang gabi".kausap ko sa aking sarili. Dahil tanghali na akong nagising halos 2pm na ako natapos sa pinapagawa nila kuya at tatang.kaya hapon na ako nakarating sa store para tumulong kay tatang at mga 5pm ay nagyaya ng umuwi si tatang. "tang ang aga naman mauna kana mamaya na ako uuwi".saad ko kay tatang. "anak inimbitahan tayo ni kapitan sa plasa nakakahiya naman na hindi tayo pumunta," "at pumayag na kayo tang"?.tanung ko "walang masama anak kaya pumayag ako".ani tatang na nagmamadali ng magligpit ng kanyang gamit. "kayo na lang ho ang pumunta at ako ng bahala dito sa store".saad ko. "Dani anak inimbitahan tayo at kasama ka kaya tara na para hindi tayo mahuli dahil nakakahiya". "tang kayo na lang ayoko talagang pumunta may problema si Alvin kailangan ko syang puntahan".pagdadahilan ko pa. "magkausap lang kami ni Alvin anak at hahabol sya sa plaza,saka anak isa ka sa mga judges sa singing contest mamaya sabi ni kapitan".turan ni tatang. "tang magkaharap kami ni kapitan kanina at wala syang sinabi sa akin". pagdadahilan kong muli. "anak sumama kana nakakahiya naman kung hindi ka pupunta lahat tayo imbitado pati mga kuya mo" "hay naku anu pa nga bang magagawa ko"?.naiinis na saad ko. "minsan lang naman anak kaya paunlakan mo na". "oo na tang pupunta na". naiinis na pagpayag ko. wala akong nagawa kundi umuwi ng maaga kasama ni tatang,para maghanda sa pupuntahan.last minute bago ako nag bihis para sumama kay tatang sa plaza.nagsuot lang ako ng skinny high waist maong pants at hanging blouse na mahaba lang ng kaunti sa suot kung sports bra at ang high cut basketball air Jordan shoes ko.astig na astig samantalang si tatang ay pormal na pormal ang suot lalo na si kuya mike.kaya nahiya ako sumabay sa kanila at sinabi kong susunduin ako ni alvin kahit ang totoo ay ni text o tawag ay wala ito.si kuya Lito naman ay naka uniform ito at hindi pa rin kami nagkikita mula ng dumating ako.palabas na ako ng bahay namin sakay ng aking Ducati ng makita ko si sonny sa labas ng bahay namin nakasandal sa hood ng kotse.agad syang lumapit sa akin. " ma'am Dani nasa loob po ng kotse si kapitan at sinusundo ka po namin,sa amin ka na lang po ma'am sumabay".anito sabay hawak sa motor ko. "pano ba yan, may sasakyan din ako kaya hindi ko kailangan ang susundo". naiiritang saad ko "pero ma'am Dani baka magalit si kapitan sa akin at mawalan akong trabaho".saad nitong halata ang pag aalala sa boses. " Hindi ko na problema yun". saad ko sabay patakbo sa aking Ducati. nakita kong mabilis din ang takbo nila at sinusundan ako,halos magkakasunod lang kaming dumating ng plaza.nasusundan ko ang sasakyan ni Alvin at nasa likuran ko naman nakasunod ang sasakyan ni kapitan.buti na lang hindi ako sumakay kundi dagdag na naman sa ipapaliwanag ko kay Alvin.pagka park ng sasakyan bumaba agad si alvin at nakangiting lumapit sa akin niyakap agad ako ng mahigpit kahit hindi pa ako nakakababa ng motor ko.inalalayan nya ako para makababa at nagulat ako ng makita kong madilim at salubong ang kilay ni kapitan na papalapit sa amin parang akala mo kakainin ka ng buhay. "let's go inside baby".ani alvin. tumango lang ako at naglakad na kami bago pa man makalapit sa amin si kapitan. "I love you"bulong ni Alvin. "I love you too baby".sagot ko naman. "this way ma'am sir". turan ng babaeng sumalubong sa amin papasok sa events. nakita ko kaagad si tatang at kuya Lito na nakaupo na at may kausap na babae. "hi kuya Lito"pagbati ko sabay halik sa pisngi nito. "hi,maupo na kayo Dani,Alvin .anito sabay tapik sa balikat ko at kay Alvin. tahimik na kaming nakaupo dahil may nagsasalita na hudyat na magsisimula na kung anu man ang event na ito.hindi ko alam kung anung klasing event ang magaganap ngayon basta ang sabi ni tatang magjujudge ako ng singing contest yun lang.naramdamam kong pumulupot ang braso ni Alvin sa beywang ko kaya nilingon ito ng bigla akong halikan sa labi.nakita ko si kapitan na masama ang tingin sa akin kaya sinaway ko si Alvin at nakangiti naman itong tumigil. *************** ALVIN: Kitang kita ko kung paano hinalikan ni kapitan si Dani,at wala man lang itong ginawa para protektahan ang sarili nya.mahal ko sya at buo ang tiwala ko sa kanya nakakasama lang ng loob dahil wala man lang syang ginawa hinayaan nya lang na halikan sya. at kung hindi lang ako nakapagpigil kanina basag na ang pagmumukha ni kapitan. and now patong patong na din pala ang problema sa negosyo namin at ang gusto ng daddy ko ay ako na ang mamahala nito.at hindi ko kayang mauwi sa wala ang pinaghirapan ng daddy ko na ako lang ang inaasahan nya na magpapatuloy nito.kaya bago matapos ang araw ay tinanggap ko ang offer ni daddy na pamahalaan ang Perez Corporation at kailangan kong pumunta ng america para umpisan ang pamamahala ng negosyo namin.hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Dani ang lahat lalo na ngayon na marami kaming dapat na pag usapan pa.hay ang hirap hindi ko alam kung alin ang dapat kung unahin.bahala na kailangan ko pang pumunta sa plaza para mag judge sa pa singing contest ni kapitan.at sa pag kakaalam ko sabi ni tatang si Dani ang guest speaker ng event kaya kailangan nandoon ako bago pa magsimula, knowing Dani ayaw na ayaw nya ng ganun dahil hindi sya magaling mag speech lalo na sa harap ng maraming tao. halos magkasabay lang kami ni Dani ng dumating sya sa plaza,sakay ito ng kanyang paboritong ducati.nakita kong nakasunod si kapitan kaya nagmadali akong lumapit kay Dani hindi ko ito bibigyan ng pagkakataon para makalapit kay dani. pagkababa ko ng kotse ko lumapit agad ako kay dani at niyakap sya ng mahigpit hindi kami nagkita maghapon kaya miss na miss sya.tinulungan ko syang makababa ng motor at nakita kong papalapit sa amin si kapitan. "let's go inside baby"saad ko tumango lang si Dani at humawak na sa braso ko,bago pa makalapit si kapitan ay naglakad na kami papasok ng plaza. "i love you "bulong ko Kay Dani. "i love you too baby"sagot ni Dani na may kasamang matamis na ngiti. Ang totoo nyan nagpipigil lang ako na hindi sya halikan kasi nasa public place kami.Yun kasi ang pinakaayaw ni Dani ang halikan sya infront of many people dahil ayaw nya na pinag uusapan sya. kaso talagang marupok ako sa tukso kaya hindi na ako nakapagpigil pa ng makaupo na kami pasimple ko syang niyakap kaya ng nilingon nya ako ay sinamantala ko na para mahalikan ko sya sa lips na hindi naman sya tumanggi bagkos ay tumugon pa ito. "baby we're in a public place, crowded ang tao".nakangiti nitong sita sa akin sabay taas baba ng kilay. "I'm sorry baby miss na miss lang kita".bulong ko rin. "I love you".bulong nya rin sa akin. "I love you too baby, and I hate your hanging blouse".saad ko nakanguso lang itong tumingin sa akin at maya maya pa ay bumulong. " am I too sexy" natatawa nitong tanung. " yes you're too sexy baby and I'm proud of you". syempre Hindi ko pwedeng ipakita kay dani na disappointed ako sa suot nya.but deep inside makakapatay ako sa daming mga matang tumitingin kay Dani,even kapitan halos mahubaran na si Dani sa titig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD