mahigpit kong binilin kina Cedric at Garrett na bantayan ang lahat lalo na at hindi ko alam kung hanggang kailan ang retraining ko sa Russia. nangako naman sila na gagawin ang lahat ng pinagbilin ko sa kanila. paalis na ako ng makatanggap akong text mula sa annonymous number na nagsasabing magkita kami at mag usap. hindi ko na pinansin pa dahil ang hinala ko ay si Alvin ito, lalo at nagkita kami kanina lamang. wala na akong panahon para makipag kita at makipag usap pa sa kanya sapat na ang nalaman at nakita ko para tuluyan siyang kalimutan at burahin sa buhay ko. tuluyan akong umalis ng safe house at tinahak ang daan pauwi sa bahay. malapit na ako sa bahay ng biglang humarang sa akin sa itim na kotse. "s**t!muntik na ako doon ah!"inis na turan ko. buti na lang at mabilis akong na

