lumipas ang halos sampong oras at sa wakas nakarating na din sa training camp. sinalubong ako ng isang staff ng training camp, na naging kaibigan ko dito six years ago. mag best friend pa nga kami kung magturingan dito sa training camp sa loob ng halos tatlong taon na pamamalagi ko dito. naputol lamang ang pagkakaibigan namin ng ganap na akong maging secret agent. dahil lalo akong naging abala bilang isang sundalo and at the same time secret agent. siya si Steven Llena isa siyang Russian na marunong magsalita ng wikang tagalog at siya rin ang translator ng mga Pilipino na nagtitraining dito sa Russia. ito kasi ang the best na training camp Lalo na sa mga special skills na kailangan ng mga katulad kong secret agent. kaharap namin ngayon ang official commander ng training camp pero h

