Maaga pa lang ay gising na ako. Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa pag-iisip. I woke up feeling nothing. Ang alam ko lang, kailangan kong bumangon dahil pinili kong gumising. Wala pang alas sais ay nakapagluto na ako ng breakfast para sa amin ni Sebastian. Hindi nga lang ako sigurado kung mag-a-almusal s'ya dahil mukhang napasarap ang tulog n'ya. Mukha rin s'yang pagod nang makauwi kahapon. Hindi ko man alam kung anong eksaktong nangyari sa kanya sa kompanya nila, sigurado akong hindi 'yon maganda. "Hey..." Agad na yumakap sa akin si Sebastian. He smelled good, mukhang kaliligo lang. "I'm sorry, hindi na naman ako makakasabay sa 'yong mag-breakfast ngayon. May kailangan akong tapusin na trabaho." Like the usual, ngumiti lang ako at itinuro ang paper bag na naglalaman ng breakf

