Chapter 4

1826 Words
"What are you doing?" Napailing na lang ako nang muntik nang mauntog si Sebastian sa pader. Hindi ko naman kasi alam kung anong trip n'ya at halos kausapin n'ya 'yong pader. Nagulat pa yata nang bigla akong makita. Aba, dapat lang! Matapos n'ya akong stress-in kagabi! Tumikhim lang s'ya at mabilis na umiling. Mukhang wala pa nga sa huwisyo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakikitang pagkakataranta n'ya o ano. Ni hindi makatingin sa akin. "Ah, wala, wala! Gusto ko lang sanang mag-apologize sa ginawa ko kaninang madaling araw." I looked at him. Gusto ko na namang mainis. Bakit hindi? Napaismid ako nang maalala ang kalokohang pinagagagawa n'ya. Sobra n'ya akong pinahirapan kagabi. Hindi ko naman s'ya magawang iwanan nang ganoon kaya inayos ko pa ang pagkakahiga n'ya sa sofa. Ang hirap niyon dahil matangkad at malaki s'yang tao. Dahil nag-burles s'ya, kinailangan ko pa s'yang bihisan at may isang oras ko yatang ginawa iyon dahil hindi ko s'ya matingnan! Hindi ko nga lang magawang mainis talaga sa kanya ngayon. Lalo na at malinaw kong nakikita ang kulay ube na hugis bilog sa kanyang kanang mata. He looks like a panda. I bit my lower lip. Bumakas sa kanya ang kamao ko kaya may black-eye s'ya ngayon! Deserve! Agad akong nag-iwas ng tingin. Hirap na hirap akong pigilan ang tawa kaya tinalikuran ko na lang s'ya at dumiretso sa kusina para ituloy ang ginagawa roon. Inabala ko ang sarili sa harap ng stove. Nakapagluto naman ako pero dahil sa puyat, tanghali na ako nagising at lampas alas dose na nga. Late lunch na ang pagkain namin. "Kung iinom ka, siguraduhin mong sa tiyan mo ididiretso ang alak— "Hindi naman ako naghamon ng away! Kaya siguradong hindi ko rin inilagay sa ulo ko iyong mga ininom kong alcohol!" Aba at may gana pang mangatuwiran! Sandali ko s'yang nilingon at tiningnan bago napailing. "Sa susunod, lagyan mo rin iyang ulo mo nang hindi ka nawawala sa sarili." Hindi s'ya sumagot. Ramdam ko ang pagdadalawang-isip n'ya, hindi ko nga lang alam kung bakit. Nanatili s'yang nasa kusina at ilang beses ko rin s'yang narinig na nagrereklamo dahil sa sakit ng ulo. "Wala ka bang lakad ngayon? Hindi ka ba pupunta sa review center?" hindi nakatiis na tanong n'ya. Sandali akong nag-isip kung paano ko s'ya pakikitunguhan ngayong araw pero dahil puyat ako, okay lang naman sigurong mag-day off ako sa pakikipagbardagulan sa kanya. "Sabado kasi ngayon at nasabi sa akin ni Alfon na mananatili ka rito ng two months para mag-review para sa exam mo," dagdag ni Sebastian. Hinayaan ko lang s'ya. Ilang halo pa ang ginawa ko sa nilulutong soup bago pinatay ang stove. Handa na ang ibang pagkain at inihuli ko talaga ang soup para mai-serve ng mainit pa. Si Sebastian lang ang may hang-over pero mukhang kailangan ko rin ng mainit na sabaw. Dalawang mangkok ang inihanda ko at sinimulang lagyan ng soup ang mga iyon. "Thank you rin sa pagbibihis sa akin— Matalim ang tinging ibinigay ko kay Sebastian nang sabihin n'ya iyon. Muntik ko nang mabitawan ang hawak na mangkok! "Tapos ka na ba? Huwag ka ngang masyadong maingay," ani ko at ipinagpatuloy ang pagsasalin ng sabaw. Wala talagang preno ang bibig ng isang ito! Gusto ba n'yang pag-usapan talaga namin ang tungkol doon? Iyon nga ang dahilan kung bakit puyat na puyat ako ngayon! Hindi ko rin alam kung bakit parang ang friendly n'ya ngayon. Samantalang noong mga nakaraang araw ay iwas na iwas din s'ya sa akin. I saw him caressed his nape. Nanahimik s'ya at pinanood lang ang ginagawa ko habang pinaglalaruan ang ibabang labi. I saw how he stiffened when I put a plate in front of him. Tinitigan pa n'ya ang plato na parang hindi n'ya alam kung bakit nandoon 'yon. Ano bang alak ang ininom ng isang 'to at nagiging ganito? "Sebastian..." I called his attention. Natulala na kasi at mukhang wala na naman sa sarili. "Kung sasabay ka sa akin sa pagkain, puwede bang maghilamos ka muna? May panis ka pang laway." His eyes widened. Mas lalo tuloy akong nagtaka. "Sige, sige! Sandali lang." Agad s'yang tumayo at tinakbo ang kanyang kuwarto na para bang tuwang-tuwa sa kung ano man. Naiiling na sinundan ko s'ya ng tingin. I waited for a minute pero naligo na yata si Sebastian kaya nagsimula na akong kumain. Ako na ang nagluto kaya hindi ko na s'ya responsibilidad na hintayin. I eat slowly. Binabasa ko rin kasi ang booklet na dapat ay babasahin ko bago matulog kagabi pero salamat kay Sebastian at wala akong kahit anong nabasa. Ngayon nga ay halos wala pa rin akong maintindihan sa mga nakasulat sa booklet kaya kailangan ko pang ulit-ulitin iyon. Natigil ako sa pagbabasa nang maamoy ang pamilyar na amoy ni Sebastian. Natural and fresh mint. Saglit akong nagtaas ng tingin. Hindi naman s'ya naligo, mukhang naghilamos lang talaga at inayos ang buhok. Pasimpleng bumuga ako ng hangin bago ibinalik sa pagkain ang atensyon. Hindi na dapat ako nagtataka pero talagang minsan ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa lalaking ito. He's really attractive. Wala pa s'yang ligo pero mukha na s'yang amoy baby powder. Hindi rin nawawala ang karisma n'ya and even after years, he has that presence na talagang hahabulin ng mga babae. Playful Sebastian is every woman's favorite and when he chose to be serious, he has that intimidating and mysterious aura on him. Kahit ano sa dalawa, he's hot! Wala sa sariling itinampal ko ang booklet sa noo. Habang tumatagal na nakakasama ko ang lalaking ito, dumadami rin ang pamumuri ko sa kanya! I heard him cough. Nang tingnan ko nga lang ay naka-focus na s'ya sa pagkain kaya hinayaan ko na lang. Ayaw ko nga palang makipagtalo sa kanya ngayon. I focused on my booklet again pero wala... wala talaga akong maintindihan. Inis na inilapag ko na lang iyon. Mukhang mahihirapan na naman akong mag-review ngayon. "Why don't you eat first?" I glanced at Sebastian. Kapag ganito ang ayos n'ya at hindi nakangisi, he looks so innocent. Hindi man lang n'ya alam na s'ya ang dahilan kung bakit ako namomroblema ngayon. Napangiwi s'ya at agad na itinaas ang mga kamay. "I mean... mas makakapag-aral ka kung kakain ka muna." Umirap na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Bakit ko nga ba sinusunod ang hunyangong ito? And I still eat. Bukod sa mabagal talaga akong kumain, naninibago rin akong kasabay ko si Sebastian. Nasanay akong mag-isa lang kapag kumakain. He finished eating first. Ako naman ay nangangalahati pa lang. He's now looking at the juice I made like it's some freaking creature. Lumunok pa s'ya bago nagsalin sa baso. He eyed the juice for a few seconds before trying it. And he almost puked! "Lason ba 'to?" Hindi maipinta ang mukha n'ya. Gusto ko s'yang pagtawanan. Why he's being a clown today? But instead of making fun of him, tumayo ako para kumuha ng malamig na tubig. Inilagay ko iyon sa harap n'ya na kaagad naman n'yang ininom. "Spinach and cucumber. It's good for concentration," maikling paliwanag ko. "Spinach and what?" He frowned. "Suka yata 'to ni Hulk, e!" Umiling na lang ako at hinayaan s'yang makipagtitigan sa juice. "Uhm... I'm sorry about earlier," maya-maya ay sabi n'ya. I just nodded. "Dahil ba roon kaya hindi ka nakaalis ngayon? Hindi ka ba nakatulog? Malakas ba akong humilik? Umabot ba sa kuwarto mo?" Ako naman ang nangunot ang noo. Hindi naman s'ya naghilik. Sandali ko s'yang sinulyapan. "Wala akong schedule tuwing weekends." "Oh..." He looks hesitant. "Pero nitong nakaraang weekends... umaalis ka ng condo..." I raised my brow. "Wala akong schedule pero pumupunta ako ng review center para mag-aral." "Ibig sabihin ay aalis ka rin today?" "Aalis na rin ako pagkatapos kumain." Natigilan s'ya. Ako naman ay nagtaka. Are we really being civil with each other? Ni hindi kami nagbabangayan at hindi ko rin s'ya tinatarayan. Na para bang walang nangyaring sagutan noong nakaraan. O' baka talagang hindi naman big deal sa kanya ang nangyari, baka nga ay nakalimutan na n'ya. Dahil sa naisip ay agad na nagbago ang mood ko. Bumalik ang inis ko sa kanya. "Dalawa ang part-time job ko at parehong malapit sa training center na pinagre-review-han ko kaya maaga akong umaalis tuwing weekdays..." "Ah, kaya." Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Nasa review center ako sa umaga. Eight to one in the afternoon. Apat na oras naman sa una kong part-time job. Alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi kung saan ay closing time na ng library. Ang schedule ko naman sa coffee shop ay alas sais y medya ng gabi hanggang alas diez y medya. Makakarating ako rito ng pasado alas onse na o bago mag-alas dose. Monday to Friday ang ganoon kong schedule sa lahat at nasa bahay lang ako tuwing Sabado at Linggo, depende na lang kung mag-aaral ako sa review center tulad ngayon o may ibang lakad..." mahabang salaysay ko. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang schedule ko. Mas mabuting alam n'ya para hindi n'ya ako isumbong kay Kuya Alfon. "Uh-oh..." He's trying to suppress his smile but failed to do so. "I'm telling you all of these para alam mo ang isasagot kina Kuya sa oras na magtanong sila ng tungkol sa ginagawa ko..." Napaismid s'ya, agad na sumimangot. "I see..." He's now focusing on the soup. "Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nagpa-part-time ako, Sebastian. Just tell them na mula alas dos ng hapon ang schedule ko sa training center," sabi ko. Mas mukha iyong utos kaysa pakiusap. Hindi ko na kailangang hingin sa kanya na pagtakpan ako. Alam kong gagawin n'ya talaga iyon. "Hindi na ako kailangang tanungin ni Alfon tungkol diyan. Kung gugustuhin nila ay magagawa nilang alamin ang schedule mo," matabang na sabi n'ya. "Basta, iyon na ang sinabi ko sa 'yo." Tumayo na ako. Tapos na naman akong kumain. "Ako ang nagluto kaya ikaw na ang magligpit. Kailangan ko nang umalis." "Really, Charry?" Mapanuya ang boses n'ya. Nangungunot ang noong nilingon ko si Sebastian. He's now smirking. "Gusto mong pagtakpan kita pero hindi ka man lang nakiusap." He leaned on the chair. "Gaano ka kasigurado na magsisinungaling ako sa kuya mo na best friend ko, para lang sundin ang gusto mo?" Nagtaas ako ng kilay. "Kailangan ko pa bang ipakiusap ang tungkol doon, Sebastian?" The devil smirked. "I'm a businessman, Charry at para sa akin, everything is business. You're proposing a deal, ano namang makukuha ko kapag ginawa ko ang gusto mo? Wala naman, hindi ba?" Pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko. What the hell is he talking about? Anong deal-deal itong sinasabi n'ya?! Sebastian stood. "I'll wash the dishes." Sandaling binalingan n'ya ang counter top. "Kung gusto mong pagtakpan kita kay Alfon, I want something in return." Napapalatak ako. "At ano naman iyon?" He shrugged. "Let me think of it, Charry. For now, hindi ko muna sasagutin ang mga tawag ni Alfonso."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD