ELYSIA’S POV
Nanginginig ang aking kamay habang mahigpit ang hawak sa papel.
Napatingin ako sa kanya at sumilay ang nakakalokong ngiti rito.
He tricked me.
Hindi ko nabasa ng maigi ang nakasulat sa kontrata, ang tangi ko lang nabasa ay ang anim na buwan na probation ko sa kompanyang iyon na nakasulat sa unang pahina. Kung babasahin mo ng buo ang lahat ng nakasulat ay aabutin ka ng kalahating oras dahil sa dami ng nakapaloob dito.
Muli kong binasa ang nakasulat sa papel, inilipat sa ikatlong pahina at parang mas lalong hindi ako makahinga nang makita ang isang paragraph na naka-highlight. Nasa gitnang bahagi ito na dahilan kung hindi ko kaagad nabasa iyon ng mabuti nang pumirma ako ng kontrata dahil sa sobrang kadesperado noon.
After six months of probation, if the work is satisfactory, his/her stay with the company will be extended by one year and six months, totaling 18 months. During those months, she will not be allowed to resign or be absent without leave.
He/She could be fined four million pesos if he/she tries to break the contract.
Titig na titig ako sa mga nakasulat dito habang nanginginig ang aking mga kamay. Naging blangko ang aking isip na para bang hindi rumirehistro sa aking utak ang lahat ng nangyayari.
Apat na milyon?
Naalala ko ang perang ibinigay nito sa akin noon sa tuwing nagkakasama kami.
“B-Babayaran ko ang penalty,” lakas loob na sabi ko rito.
“Huh? Saan galing? sa perang ibinigay ko? Nope, I can’t accept that dahil sa akin pa rin galing ang perang hawak mo.” Nakapamulsang anito habang marahang naglakad pabalik sa akin at ang kanyang mga mata ay walang kurap na nakatitig sa akin.
“Ibinigay mo na iyon sa akin kaya akin na iyon. Wala ka na roon kung ibabalik ko sa iyo iyon bilang pambayad o hindi,” pagpupumilit ko rito.
“I already told you, I won’t accept that money but if you insist, it’s fine but are you willing to go to jail for two years? Gaya ng nakasulat sa kontrata?” naghahamon na sabi nito habang patuloy na naglalakad papalapit sa akin.
Marahan din akong umaatras sa bawat paghakbang nito, kung pwede lang ay lumabas na lang ako rito sa opisinang ito pero para akong walang lakas dahil sa sobrang pagkabalisa.
“Ano pa bang kailangan mo sa akin, Xavier? May asawa ka na, for the second time pinaniwala mo ako na mahal mo ako. At sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan mo ako. Nakikiusap ako, palayain mo na ako,” hindi ko na napigilang tumulo ang aking luha dahil sa sobrang pagkabigo.
Bakit hindi niya na lang ako hayaang makapag-move-on?
Sobrang sakit na ng aking puso dahil sa kanyang ginawang panloloko sa akin, anong gusto niya? Gawin akong kabit niya?
“Did I say I love you? Did you hear me say that word to you?” sarkastikong sagot nito sa akin.
“I like you, Sia but I still love Juliette. I never told you I loved you.”
Pakiramdam ko ay isang libong punyal ang tumarak sa aking puso dahil sa kanyang sinabi.
“Anong sinasabi mo? Kung hindi mo ako mahal? Ano pala ako sa iyo? Bakit kailangan mo pa iparamdam sa akin na mahal mo ako? Bakit mo pa ako kailangang suyuin? Marami diyang ibang babae, Xavier. Nandiyan ang asawa mo bakit ako ang kailangan mong ganituhin? Wala akong ginawang kasalanan sa iyo,” walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang nakatingin sa kanya. Lahat ng hinanakit na ilang araw kong itinago ay tuluyan kong nailabas.
Sandali lang itong natigilan habang nakatitig sa akin.
“Please, Xavier. Ayaw ko na kaya palayain mo na ako. Ayaw kong maging second choice lang at mas lalong ayaw kong makasira ng pamilya,” pakiusap ko rito habang pinupunasan ang luha sa aking mata. Tumalikod na ako rito at akmang bubuksan ang pinto nang bigla itong humarang sa pinto.
“I can't let you go, Sia. You're still mine, whether you like it or not,” anito.
“Palabasin mo na ako rito.”
“You love me, right? I know you loved me so much, Sia.”
“Eh ano naman kung mahal kita? Mahal kita noon dahil ginawa mo akong t@nga pero hindi na ngayon. Kaya t@ngina, Xavier. Palayain mo na ako,” pilit na pinatatapang ang aking boses.
Buong lakas niya akong hinila at isinandal sa pintuan, pinag-isa niya ang aking dalawang braso at inilagay sa itaas ng aking ulunan. Hinawakan nito ang aking mga braso sa pamamagitan lamang ng isang kamay, habang ang isa niyang kamay naman ay mariing hinawakan ang aking baba.
“Hindi ka pwedeng umalis, Sia. Susunod ka sa gusto ko. Kapag sinubukan mong tumakas sa akin, sisiguraduhin kong ang pinsan mong si Gaway ang magbabayad. Ibibigay ko rin ang anak ni Miriam sa tunay niyang ama,” banta nito sa akin.
“Bitiwan mo ako. Huwag mong idinadamay ang mga bata rito! Pakawalan mo ko!” pilit kong bigkas sa kabila ng pagkakahawak nito sa aking baba. Kakayanin ko kung ako lang pero huwag niyang dinadamay sina Gaway lalong lalo na ang anak ni Miriam na si Marco.
“Just be kind, Sia. Just follow what I want and I won't involve your cousin,” sabi nito saka binitiwan nito ang aking baba.
Ang kaninang matigas na ekspresyon ay napalitan ng pagiging maamo habang hinahaplos ang aking mukha sa pamamagitan ng kanyang daliri.
“I’m sorry if I have to threaten you. It’s the only thing I know para hindi ka mawala sa akin,” naging malumanay ang boses nito taliwas sa kaninang mapaghamon.
“I shouldn't have done this. We shouldn't have hurt each other, I just got carried away by my emotions because I heard earlier that someone saw you with another man.” Tuluyan nitong binitawan ang aking mga kamay.
“Honestly, every moment we spend together is important to me, and I'll admit I'm starting to feel something for you too,” anito habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya o hindi.
“Kung mahal mo ako, bakit ka nagpakasal sa iba? Kung may nararamdaman ka para sa akin, bakit kailangan mo akong saktan at idamay ang mga natitirang tao sa paligid ko? Bakit, Xavier? Bakit?”
“I have no choice. Juliette saved my life two years ago. Kung wala siya, wala ako ngayon. She lost her capability to walk properly because of me. Kilala ng lahat si Juliette bilang ballerina and her feet are her asset but she lost it because of me.” Pagsisiwalat nito. Naisuklay pa nito ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok.
“She's been my childhood friend and my girlfriend since when I was in college. I was supposed to break up with her when that tragedy happened that almost killed me.” Napaupo ito sa sofa na para bang nauubusan ng lakas.
“I married her out of pity, but the truth is, you are more important to me. Sorry kung kailangan kong saktan ka kanina. Ang akala ko ay kakayanin ko but seeing you crying in front of me is hard to bare. Alam ko na kaya ka umalis ay dahil sa hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa amin ni Juliette and that’s the reason why I didn’t told you about it dahil alam kong aalis ka kapag nalaman mo,” patuloy nito.
“So, anong gusto mong gawin ko? Manatili sa lugar na ito na kasama ka para ipagpatuloy ang kasalanan natin? Maling mali ito, Xavier kahit saan mo tingnan. Mali sa mata ng tao lalo na sa mata ng Diyos,” paliwanag ko rito.
“Sia, listen. Let me fix this, aayusin ko ito pangako. Just stay with me,” pakiusap nito.
“No. Hindi na ako susunod sa mga gusto mo, Xavier. Hindi na ako magpapauto sa iyo,” matibay ang aking paninindigan na hindi na ako makikinig sa kanya.
Mula sa pagkamalumanay ay bumalik ang mabagsik na ekspresyon nito at muling lumapit sa akin.
“You left me no choice, Sia. Starting tomorrow, you'll be my slave. Mananatili ka sa opisinang ito bilang sekretarya ko at bubunuin ang mga buwang pinirmahan mo sa kontrata. And if you tried to escape from me, ang pinsan mo at ang dalawang bata ang maghihirap kapalit mo.” Marahas niya akong hinila at walang pag-iingat na inihiga sa sofa bago ako siniilan ng halik.
I’m trapped.
Wala na akong kawala.
Tuluyan na nga akong magiging kabit ng isang Quadrillionaire na si Xavier Jaxon Romanov.