ELYSIA'S POV Hindi matigil sa pag-iyak si Eloisa at nakakapit ito ng matindi sa akin nang ito'y aking mahawakan. Bakas sa kanyang mukha maging sa katawan ang labis na takot dahil nanginginig pa ang katawan nito nang mabuhat ko ito. "Mommy, please don't leave me again. I'm so scared," anito habang umiiyak. "Tahan na anak. Mommy won't leave you again," pang-aalo ko rito. "That guy keeps on telling me, he is my dad. Is it true, Mommy?" tanong nito sa akin nang sandali itong tumahan habang papalabas kami ng utility room. Napahinto ako sa kanyang sinabi saka ito pakunot noong tinanong. "Sinabi niya iyon sa iyo?" "Yes Mommy and he said we will be together again. Is it true? Daddy is not my real Dad?" Mapungay ang kanyang mga mugtong mga mata na nakatingin sa akin. "Of course it is not

