Chapter 1

1366 Words
ELYSIA'S POV "Elysia, gusto mo bang sumama sa raket namin sa linggo?" tanong sa akin nina Mirian at Gaway habang nakatambay sa ilalim ng malaking puno ng santol. Kahit tirik ang araw ay nagawa ko pa ring magkape dahil sa nakasanayan ko na rin iyon. Ako si Elysia Nyavara. Isang simpleng mamamayang Pilipino na kumakayod sa Umaga at Gabi para lang matubos ang lupang sakahan namin na nasangla sa bangko. Isang dating call center agent na laging puyat at hirap makakuha ng day off dahil mas ginusto kong mapadali ang aking pag-iipon. Ngunit dahil sa halos walang humpay na pagpupuyat ay siningil ako ng katawan ko, bumagsak ang aking resistensya at naging sakitin dahilan upang mag-resign ako sa aking trabaho. Habang ipinapahinga aking pagal na katawan ay nagpasya akong umuwi muna sa Probinsya bago ulit muling sumabak sa magulong buhay sa lungsod ng Maynila. "Raket? Anong raket yan?" nakakunot ang noong tanong ko sa mga rito. "May kasalang magaganap, ang sabi ni Manager kilalang tao raw ang ikakasal kaya nangangailangan siya ng extra pang mga tao para mag-serve," sabi ni Gaway. "Nakasama na ako roon noong nag-birthday yung Lolo nila. Grabe, ang ganda ng apo niya mas lalo na yung mga app niyang binata naku, ang gagwapo," kinikilig na Sabi ni Miriam. Kinuha nito ang aking mug at nakiinom sa aking kape. "Hindi lang sa itsura ha. Ang laki rin nila magbigay ng tip. Yung huling sumama ako sa event nila para maging server, malinis na 5,000 ang naiuwi ko," pagbibida ni Gaway. "Bakit ang laki ng sa iyo? May ginawa ka na naman,noh?" nakataas ang kilay ni Miriam na sabi kay Gaway. "Actually mas malaki pa diyan," napa-peace sign ito saka tumawa dahil mukhang nahuli ito ni Miriam. "Sabi ko na eh, kaya pala lagi kang nawawala yun pala nagpapa-extra service kang babaita ka. Kapag ikaw talaga nabuntis sa ginagawa mo," banta ni Miriam. "Eh, anong magagawa ko. Ang sasarap nila I mean, ang gagwapo nila kaya hindi ko matanggihan, hindi katulad ng mga lalaki rito sa atin na parang mga sisiw na may kulay pa ang mga buhok. Tska ayaw mo nun, baka Isa sa kanila ang maging sagot sa ating mahirapan," sagot ni Gaway. Napapailing na lang si Miriam dahil sa sinabi ng kakambal. "Saan ba iyan? Magkano ang minimum? May bayad na ang OT?" sabay kong tanong. "800 ang arawan, 200 OT per hour so bale kapag lumagpas tayo ng apat na oras may 1,600 na tayo. Pero seryoso, malaki sila mag-tip lalo na ngayon dahil balita ko, dalawang binatang Dela Cuadra ang ikakasal. Kilala niyo yung Ambassador? Yun, Isa iyon," turan ni Miriam "Bongga nga iyan, sige sasama ako." Hindi naman problema sa akin kung magpuyat kahit isa o dalawang araw. Dati nga kinaya ko ang dalawang taon na dikdikan sa puyatan na tipong hindi na matulog para lang sa pera, dalawang araw pa kaya. Mga pinsan ko sila, kambal man pero magkaiba ang mukha. Sa kanilang dalawa, si Miriam ang mas matured mag-isip habang si Gaway naman ay ang happy go lucky. Kagaya ko ay pare-parehas kaming mga naulila na. Kasama ko Silang lumaki at si Lola lamang ang nag-alaga sa amin. Nasangkot sa isang aksidente ang pampasaherong jeep na kung saan lulan ang aming mga magulang patungo sa isang kasalan. Dead on Arrival si Mama habang ilang linggo pang nabuhay si Papa, umasa akong mabubuhay pa ito ngunit kinalaunan ay nabaon kami sa utang. Naisangla sa bangko ang parte ng lupa na ibinigay ni Lola sa aking mga magulang maging ang mga bakang pangsaka ay naibenta para mabayaran ang utang. Gaya ng aking sinapit ay ganoon din sa kanila Miriam, mabuti na lamang ay dalawa sila habang ako solong anak ay kailangan kong pasanin ang lahat ng mag-isa. Limang taon na ang nakalipas, pero parang ambigat pa rin ng pasan-pasan ko. Nang mamatay naman si Lola ay nagtulungan kami nina Miriam sa gastusin. Dalawa lang ang naging anak ni Lola at sa kasamaang palad ay sabay pang kinuha. Sina Miriam at Gaway na lang ang masasabi kong pamilya dahil hindi ko naman alam kung sino ang mga pamilya ni Papa. Ang tanging alam ko lang ay taga-Maynila ito at sumama kay Mama sa Probinsya, ilang taon na rin ako naghahanap sa kapamilya ni Papa lalo na ng makatuntong ako ng Maynila para magtrabaho. Kahit sa social media ay naghahanap din ako, hindi lang isa o dalawang tao ang minessage ko kapag nakikita kong may kapareho akong apelyido pero palaging bigo kaya itinigil ko na lang ang paghahanap at nakuntento na sina Miriam at Gaway na lang ang aking natitirang kamag-anak. Balak ko pa naman na sa susunod na linggo pa naman babalik ng Maynila para maghanap ng panibagong trabaho kaya pwede pa akong sumama sa mga pinsan ko. Byernes pa lang ng hapon ay tumulak na kami kaagad sa gusali kung saan naroroon ang catering service na pinagtatrabahuan nina Miriam at Gaway. Sa pagkakaalam ko ay sa linggo pa ng umaga gaganapin ang kasalan pero dahil puro bigatin at maraming tao ang paniguradong pupunta ay kinailangan na umalis ng mas maaga. Pagdating pa lang namin ay may mga nakasakay na sa L300 na kung bibilangin ay mahigit sa sampu, hindi pa kasama. Puro lamang mga server at waiter ang kasama namin dahil nag-hire pa raw ng dalawang kilalang chef ang mga ikakasal para dito. Habang sakay ng L300 ay ipinaliwanag sa akin ni Miriam kung paano ang sahuran dito at kung ano ang aming mga gagawin. Walang tigil ang aming pag-aayos ng mga gagamitin gaya ng pagsasaayos ng mga plato, kutsara, mga kubyertos at table napkin. Mas lalo kaming naging abala nang sumapit ang Sabado ng hapon. Maaga kaming nakapagpahinga dahil nai-set up na ng maaga ang venue pero alas-tres ng madaling araw ay kailangan na kaagad naming mag-aasikaso. Pagsapit ng alas-nuebe ng Umaga, presentable na ulit ang aming itsura kahit pa mga lutang dahil sa pagod at antok ay matiyaga kaming naghintay sa pagdating ng mga bisita. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na muling makapagpahinga bago ang totoong laban. Nasabi sa akin ni Miriam na magkapatid ang sabay na ikakasal sa araw na iyon kung kaya mahabang lamesa kung saan uupo ang mga bagong kasal. "Guys, be ready. Parating na ang mga bisita," Sabi ng coordinator. Kanya-kanya kaming pumunta sa aming mga pwesto, kasunod ang pagdating ng mga bisita. Nakakalula ang mga taong imbitado sa handaang iyon dahil kahit na ang Presidente ng bansa ay naging panauhin. Marami ang politiko, artista, atleta at may mga deligado pa ng ibang mga bansa. Nakakapanliit at para bang bagay talaga sa akin ang pagiging silbidora sa lugar na iyon dahil tila wala ako sa kalingkingan ng mga lalaki at babaeng kasing kinis ng porselana ang mga balat. Kahit na napakaraming naggagandahang artista at may mga nagpeperform na kilalang singers na parang nagkaroon ng mini concert sa loob ay hindi ko magawang mag-fangirling dahil sa dami ng tao at trabaho. Halos alas-dos na yata ng hapon ng unti-unti ng nababawasan ang mga bisita at nagkaroon na rin kaming mga server ng pagkakataon na makapagpahinga kahit sandali. "Ely, magpahinga ka na muna sabi ni Manager. After thirty minutes balik ka din daw," sabi sa akin ni Miriam. Nilapitan niya ako habang kinukuha ang ibang nakakalat na Plato. "Mabuti naman, aww! Ansakit ng likod ko," sagot ko. "Kumain ka na rin sa kitchen, nandoon na ang ibang mga server na naka-break. Teka, nakita mo ba si Gaway?" tanong nito habang nagpapalinga-linga. "Nandiyan lang siya kanina," turo ko sa gilid ko kung saan ko ito huling nakita subalit wala na ito roon. "Pasaway, gumagawa na naman ng milagro iyong babaeng iyon," yamot na sabi ni Miriam at naglakad papalayo. Sa halip na sa kusina ay naglakad ako patungong Hardin kung saan pwede magsigarilyo. I can't help it. Hindi pa man ako nakakatagal ay may lumapit sa akin. "Pwedeng makisindi?" tanong ng isang lalaki. Iniabot ko sa kanya ang hawak kong sigarilyo. Para bang may dalang mahika ang kanyang pabago na nakakahipnotismo at hindi ko mapigilang tingnan ito. Bumilis ang t***k ng aking puso, na para bang na love at first sight ako sa lalaking tila kawangis ng Diyos na si Apollo dahil sa kakisigan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD