ELYSIA'S POV "Ms. Nyavara, sumama ka sa akin," Sabi ni Miss Glenda nang makalapit sa aking lamesa. "Huy, Ely. Ano na naman ang ginawa mong kasalanan?" tanong sa akin ni Fiona, ang katrabaho ko na katabi ko lang ng desk. "Hindi ko alam. Wait, nakalimutan ko. Hindi pa pala ako nakakapaglinis ng office ni Sir," sabi nang maalalang wala nga pala ngayon ang secretary ni Xavier dahil naka-leave. Sa mga oras na ito ay si Miss Glenda ang pansamantalang secretary nito habang hindi pa nakakabalik si Ms. Lou. " Naku, bilisan mo na ang pagkilos dahil baka mapagalitan ka ni Ms. Glenda. Stress pa naman yan sa dami ng utos ni Boss," suhesyon ni Fiona kung kaya nagmamadali akong tumayo at sumunod kay Ms. Glenda. "Ms. Nyavara, naalala mo ba kung paano magtimpla ng kape si Ms. Lou?" tanong ni Ms. Gle

