ELYSIA'S POV Hindi na namin natapos pa ang party at agad na akong hinila ni Nico paalis sa bulwagang iyon gamit ang emergency exit kung saan dumadaan ang mga servers and waiters nang makita nito si Xavier sa entrada pa lamanng papasok ng bulwagan. Dinig na dinig namin habang paalis ang nagpupumilit na pagpasok ni Xavier na halos nakikipagsigawan na sa mga Swiss guards kahit na sa pagkakaalam ko ay binawalan na ito ng Committee na dumalo sa idinaraos na pagdiriwang dahil iyon ang sinabi sa akin ni Pres. Bryne kanina pagpasok pa lang namin ng bulwagan. Agad kaming in-escortan ng ibang mga bantay ni Pres. Bryne na kabilang sa mga nakatalaga upang masigurong magiging maayos ang pagtitipon. Sinamahan kami ng mga ito patungo sa aming hotel room. “I knew it, he would come. Mabuti na lang nagi

