XAVIER’S POV “Sir, we have to attend the Aurelius Global Convergence the day after tomorrow,” paalala sa akin ng aking sekretarya. “Do I still need to attend that conference?” bagot na tanong ko rito. “Sir, kailangan niyo pong dumalo. Noong nakaraan taon ay hindi na po kayo dumalo, isa pa kailangan din po iyon dahil sa unti-unti ng bumababa ang stocks ng kompanya,” paalala nito sa akin. Aurelius Global Convergence. Isa itong lihim na pagtitipon na taunang dinadaluhan ng mga pinakamaimpluwensya, kilalag mga dalubhasa at iba pang mga lider na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pagtitipon na ito ay eksklusibo at walang kahit anong mga media ang imbitado kung kaya iilan lamang ang nakakaalam tungkol dito at hindi ito nababalita sa kahit na anong pahayagan. Hindi ka rin bast

