ELYSIA’S POV Isang charity event ang aking dinaluhan. Isa itong charity organization na kung saan ay tumututok sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan ng mga kabataan sa buong mundo. Ang aming grupo ay nagtungo sa isang hospital upang mamigay ng mga gamot sunod naman ay nagtungo kami sa isang komunidad upang mamigay naman ng mga school supplies. Nakakataba ng puso na makita ang ngiti sa labi ng mga batang kagaya ko noon pero sa tingin ko mas kinapos palad pa dahil sa kahirapan. Pagkatapos noon ay isang salu-salo ang inihanda para sa mga katulad kong volunteer. Hindi ko inaasahang muling mag-kokrus ang aming landas ng asawa ni Xavier o mas magandang sabihing dating asawa nito. Ang babaeng sinaktan ko dahil sa pagiging insignificant other ko sa kabila ng kaalamang nobya na ito noon ni X

