CHAPTER 28 "Carl! Ikaw ba 'yan? Ako 'to!" Isang pamilyar na boses. Nagdalawang isip pa din ako kung kailangan kong lumabas sa aking pinagtaguan. Ngunit wala akong balak bitiwan ang aking pamalo. Kasabay iyon ng pagtulo ng aking luha. "Carl, nasaan ka na! Si Francis ito!" sigaw niya. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa aking pamalo nang mapansin kong palapit na palapit na ang kaniyang mga yabag at sindi ng flashlight niya. Hindi man kasintindi ng kaba kanina sa dibdib ko pero naroon pa din ang takot. Hindi ko na alam kung sino ang aking pagkakatiwalaan. Paano kung hindi nga si E-jay ang gumawa niyon sa akin at may nangyaring masama sa kaniya ngayon. Paano kung noong nakaidlip ako ay may nangyari sa kaniya at isinuot ang kaniyang damit nang

